Jiro ipapasok uli ni AiAi sa rehab

Huwag tayong magtaka kung mababalitaan natin na muling ibinalik sa rehabilitation center si Jiro Manio dahil sa mga inaasal niya nitong mga nagdaan na araw. Gusto raw puntahan ni Jiro ang mga kabarkada na hindi naman good influence sa kanya kaya pinagbabawalan siya pero minamasama niya.

Nakarating sa akin ang impormasyon na nag-usap na nang masinsinan si AiAi delas Alas at si Andrew, ang tiyo ni Jiro na nagpalaki sa dating child actor.

Diumano, nagkaisa sina AiAi at Andrew na ipasok uli si Jiro sa rehabilitation center dahil hindi pa siya lubusan na magaling.

Masuwerte si Jiro dahil may katulad ni AiAi na kumbinsido na gagaling pa siya at magbabago pero kailangan din na ipakita niya na deserving siya na tulungan.

Hindi puwedeng ang mga tao sa paligid niya ang mag-a-adjust sa kanyang ugali. Hindi maaari na ang kanyang kagustuhan ang masusunod, lalo na kung mali.

Hindi dapat makalimutan ni Jiro na may sariling pamilya si AiAi na dapat asikasuhin. Mababait ang mga anak ni AiAi at never nila na binigyan ng problema ang kanilang ina.

Sariling kusa ni AiAi na tulungan si Jiro kaya tulungan din sana nito ang sarili. Siya lang ang puwedeng makapagpabago ng kanyang future.

?Ibinalik na rin sa amain

Confirmed na ipinaubaya ni AiAi kay Andrew ang pag-aasikaso kay Jiro pero may regular communication sila.

Nag-post si AiAi ng pasasalamat niya sa amain ni Jiro at ang confirmation na wala na ang aktor sa condominium na nirentahan ng Comedy Queen para sa kanya.

“Ikaw ang totoong nagmamay-ari kay Jiro dahil simula bata hanggang ngayon ay hindi mo s’ya iniwan.

“Ang puso mo ay napakalaki para kay Jiro at tama lang na sa’yo na siya uli. Alam ko naman, aalagaan mo siyang mabuti and nandito lang din ako nagdadasal para sa kanya, kasama ng followers ko. Ang pamilya ay pamilya.

“Simula po sa araw na ito ay nasa pangangalaga na ulit si Jiro ng Daddy Andrew,” ang post ni AiAi sa Instagram na naunawaan ng kanyang followers.

Hindi naman matapos-tapos ang pasasalamat ng adoptive father ni Jiro kay AiAi dahil sa kabutihan na ipinakita nito.

Nagsalita si Andrew na hindi niya makakalimutan at tatanawin niya na utang na loob sa habambuhay ang lahat ng tulong ni AiAi kay Jiro.

Tatay ni Jiro nawalan na ng tiwala sa mga pinoy

May isyu na iniiwasan ng Japanese father ni Jiro na magkaroon ng kaugnayan sa mga Pinoy dahil napaso na siya.

Hindi natin masisisi ang biological father ni Jiro dahil nawala na ang tiwala niya sa lahi natin.

Nang magbakasyon ako sa Japan noong January, narinig ko ang mga kuwento tungkol sa mga Japanese na nawalan ng tiwala sa mga Pilipino dahil niloko sila.

Pilipino na matagal nang naninirahan sa Japan ang kausap ko. Hindi niya nilalahat ang mga Pinoy pero may ganoong ugali raw ang mga Hapon.

Once na nasira na ang tiwala nila sa isang tao, lumalayo na sila at pinuputol ang lahat ng klase ng komunikasyon at ganito ang ginawa ng Japanese father ni Jiro kaya hindi dapat bigyan ng ilusyon ang aktor na makakapunta pa siya sa Japan para magkasama sila ng kanyang tunay na ama.

Marami pa ang nakakalokang kuwento ng nakausap ko tungkol sa mga Pinay na niloloko ang kanilang mga Japanese husband at nagbababad sa mga hosto bar para makipaglandian sa mga Pinoy hosto.

 

Show comments