Palibhasa Lalake at ang TV cast, magsasama-sama sa asap

MANILA, Philippines – Malaking selebrasyon ang handog ng ASAP dahil magaganap na ang pinaka-engrandeng reunion ng cast ng Palibhasa Lalake, Ang TV, at Your Face Sounds Familiar ngayong Linggo (Feb 7).

Bukod sa muling pagsasama-sama ng stars ng mga inabangang palabas sa ABS-CBN, dapat din abangan ang biggest gathering ng Star Magic ar­tists upang ipagdiwang ang kaarawan ni Mr. Johnny Manahan.

Sabay din sa grand reunion of the stars ang triple back-to-back concert treats nina Teen King Daniel Padilla, Asia’s Nightingale Lani Misalucha, at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual.

Hindi rin pahuhuli sa kantahan ang divas ng ASAP na sina Angeline Quinto, Kyla, Moriessette, at Roselle Nava na ipapamalas ang kanilang galing sa kantahan.

Kilig naman ang dala ng cast ng Pangako Sa ‘Yo ngayong buwan ng pag-ibig sa pangunguna ng tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Mainit na sayawan din ang handog nina Enrique Gil, Sarah Lahbati, at Maja Salvador kasama ang teen heartthrobs na sina Joshua Garcia at Jerome Ponce na sasabayan ng teen sweethearts na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Janella Salvador sa ASAP Dance.

Huwag palampasin ang ASAP ngayong Linggo (Feb 7), 12:15pm, sa ABS-CBN.

Show comments