Mark forever na ang pakiramdam kay Winwyn
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

Sa diretsong sagot na “Yes!” sa tanong namin kung si Winwyn Marquez na ang “the one” sa kanya, obvious na in love ngang talaga si Mark Herras. With Winwyn, naniniwala rin siyang may forever. Pero nilinaw nitong hindi pa niya GF ang dalaga at patuloy pa rin siyang nanliligaw dito.

Sa follow-up question namin kung sino ang gugustuhing maging love interest sa Little Nanay kung bibigyan siya, “si Beatrice” (pangalan ni Wynwyn sa serye) ang isinagot nito.

Naniwala na rin kami sa binanggit ni Mark na masaya sila sa set at para silang isang pamilya dahil nasaksihan namin ito. Habang kausap namin sila ni Juancho Trivino, nakisiksik si Kris Bernal na gumaganap nilang kapatid sa Little Nanay at silang tatlo ang sumasagot sa aming mga tanong. Narinig din naming “Tinay” ang tawag ni Mark kay Kris na pangalan nito sa teleserye.

Hanggang March pa ang Little Nanay, pero tiniyak na ni Mark na malulungkot siya at magkakaroon ng separation anxiety o sepanx ‘pag nagtapos ito. Naging close ang buong cast at parang isang pamilya ang samahan nila.

Solenn nabawasan na ang kaaligagaan

Nabawasan ang sabay-sabay na pinu-promote ni Solenn Heussaff dahil showing na simula kahapon ang #Lakbay2Love nila ni Dennis Trillo. Ang concert na lang nila ni Lovi Poe sa February 6, sa Music Museum billed Fantaisie at Regal Entertainment movie na Love Is Blind na showing sa Feb. 10, ang pinagkakaabalahan nito.

Ang maganda lang, nakapag-promote siya sa ABS-CBN, Net 25, at GMA 7.

Masuwerte si Solenn dahil pare-parehong magaganda ang mga project niya. Hindi siya mahihiyang mang-imbita and for sure, hindi rin madi-disappoint ang manonood sa Fantaisie concert nila ni Lovi.

Napanood namin ang video ng rehearsal nilang dalawa at doon pa lang, marami na ang gustong manood ng concert.

Kahit hindi kalahi, magaling na aktres jackpot sa in laws

Ang suwerte ng magaling na aktres na ito dahil mahal siya ng kanyang in-laws. Kahit hindi siya kalahi ng napangasawa dahil Filipina siya, buong puso siyang tinanggap ng pamilya ng kanyang mister at pati mga anak nila ng asawa.

Pati ang pagiging artista ng aktres, tanggap ng pamilya ng kanyang asawa. Minsan pa nga, nakikitang sinasamahan siya ng kanyang in-laws sa premiere night ng kanyang movie at iba pang showbiz event.

Puwedeng hindi na mag-artista ang aktres dahil may business ang napangasawa at kaya siyang buhayin nito. Every year nga ay nagbabakasyon ang buong angkan ng pamilya ng kanyang asawa sa ibang bansa.

Nitong huli, binilhan ng kanyang in-laws ang aktres at asawa nito ng townhouse na milyones ang halaga. Ginawa ito ng in-laws ng aktres dahil naaawa sa kanya na malayo ang inuuwian after ng magdamagang taping.

Ayaw din ng in-laws ng aktres na hindi nito nakikita ang mga anak dahil madalas sa Metro Manila ang kanyang trabaho. Kaya ang townhouse ang naisip nilang solusyon. Masaya ang married life ng aktres at nakikita ito sa kanyang aura at big bonus pa na guwapo ang mister nito.

Encantadia hinahanda na

Tinakpan na ng black cloth ang mannequin ng apat na Sanggre ng Encantadia  na naka-display sa lobby ng GMA Network. Paghahanda ito ng GMA-7 sa muling pag-ere ng fantaserye, kundi June ay July.

Ang sabi, this February na sisimulan ni direk Mark Reyes ang pinanabikang pagbabalik ng Encantadia  na requel at hindi sequel. May mga lumulutang ng pangalan ng Kapuso aktres na nakapasa sa audition at gaganap ng apat na Sanggre, pero dahil wala pang announcement ang network, hindi pa dapat paniwalaan.

ACIRC AKTRES ANG DAHIL DENNIS TRILLO ENCANTADIA HANGGANG MARCH HINDI KANYANG LITTLE NANAY SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with