Mas nasarapan sa halik, Yassi hindi naramdaman ang sakit ng balbas ni Andre
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

May karugtong na tsika ang kissing scene nina Andre Paras at Yassi Pressman sa Viva Films movie na Girlfried for Hire. Hindi lang take three kinunan ni director Vanessa de Leon ang eksena, natusok din pala si Yassi sa balbas ni Andre. Hindi lang ito makapagreklamo dahil gumigiling ang ca­mera, kaya tuluy-tuloy kinunan ang eksena.

Kung manonood kayo ng Girlfriend for Hire  sa February 10, tingnan n’yo nga kung mahahalatang medyo nasaktan si Yassi nang matusok ng balbas ni Andre. O, baka naman after the scene na niya naram­daman ang sakit dahil nadala sa sarap ng halik ni Andre. Ang tumatak sa isip niya, malambot ang lips ni Andre at lasang mouthwash.

Kung sakaling mauuwi sa relasyon itong tambalan nina Andre at Yassi, hindi nila poproblemahin ang kani-kanyang ama. Boto si Benjie Paras kay Yassi at ganu’n din ang daddy ni Yassi kay Andre. Matutuwa rin ang YanDre fans, ang malulungkot lang ay ang AnBie fans nina Andre at Barbie Forteza na gusto ang dala­wa sa rom-com series na That’s My Amboy.

Basyang, finalist sa Oscars na pambata

Masayang ibinalita ni director Jun Lana na isa sa finalist sa prestigious na Prix Jeunesse International 2016, ang tinatawag na The Oscars of Children’s Tele­vision ang Lola Basyang.com. isa sa show na prodyus nila ni director Perci Intalan sa TV5. Tampok dito si Boots Anson-Roa at ilang child stars.

Isa pang masayang balita ang na-share ni direk Jun, ito ay ang extended airing ng #ParangNormalActivity  na produced ng kanilang The Idea First Company  for TV5 pero ililipat ito ng araw. Starting February 7, Sunday  8:00 pm., na ang time slot nito. Plinano itong tsugihin pero obviously nagbago ang desisyon ni Mr. Vic del Rosario na alisin ang #ParangNormalActivity  nang malamang marami ang nanonood nito at gusto ang show.

Iya preggy na?!

Umabot na sa 1M ang followers ni Iya Villania sa Instagram (IG) na tiyak na matutuwa kung totoo ang balitang buntis ang TV host/actress. May nabanggit kasi ang mister nitong si Drew Arellano sa IG na “buns in the oven” na womb daw ang ibig sabihin at ang dating ng mga nakabasa, preggy na si Iya.

Sabagay, tama lang na magbuntis na si Iya dahil two years na silang kasal ni Drew at pareho naman silang may trabaho, hindi sila mahihirapang magkaroon ng anak o mga anak. Ang cute sigurong parents ng dalawa’t cool at chill lang sila.

Patuloy na napapanood si Iya sa Chika Minute segment ng 24 Oras, mapapanood sa Lip Sync Battle  simula February 27 bilang kasamang host ni Michael V at sa rom-com series na Because Of You as Rebecca, isa sa BFF ng karakter ni Carla Abellana.

ACIRC ANDRE ANDRE PARAS ANG BARBIE FORTEZA BASYANG BECAUSE OF YOU BENJIE PARAS BOOTS ANSON-ROA IYA YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with