^

PSN Showbiz

Ampalaya pa rin, aktor iniisnab-isnab ang ex ‘pag hindi na kaeksena

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magkasama sa isang pelikula ang ex-showbiz couple at kahit sinasabing okay na sila, at may closure ang kanilang break-up, obvious na may galit pa rin sa parte ng aktor. Hindi nito binabati ang ex-GF ‘pag nagkikita sila sa shooting. Dedma ang aktor kahit makasalubong ang aktres at ‘pag may eksena lang niya ito binabati.

Ang nakakatawa lang, binabati ng aktor ang nanay ng kanyang ex at lagi siyang masaya na nakikipagkuwentuhan dito. Sabagay, hindi nga naman ang nanay ng aktres ang nakipag-break, kaya wala itong kasalanan sa kanya.

Mukha namang hindi apektado ang aktres sa pang­dededma sa kanya ng ex-BF, naghihintay lang daw itong batiin ng ex at handa nang maging friends uli sila. Pero sa dalawa, ang aktor ang unang nagka-GF kesa sa aktres na single ngayon.

Hindi siguro matanggap ng aktor na ang aktres ang nakipag-break sa kanya, kaya iwas-pusoy pa rin siya rito kahit masaya na siya sa kanyang bagong GF.

Alden may ka-date na iba kaya iniwan sa simbahan si Maine?!

Ang lakas ng tawa namin dahil pati si Malou Choa-Fagar, bossing ng TAPE, Inc. ay pinagselosan ng ibang AlDub fans. May nakakita raw na sakay si Alden Richards ng kanyang red Jaguar after ng Eat...Bulaga noong January 30. Hindi yata nakilala si Malou ng nakakita kaya ginawan ito ng istorya.

Sa tweet na “Yes, it was me.” inamin ni Malou na siya ang sakay ni Alden at pumunta sila sa wake ni Caloy Loyzaga.

Sa Instagram (IG), pinasalamatan ni Janno Gibbs si Malou for bringing Alden to the wake, napangiti raw ng aktor ang mga nasa wake sa kanyang pagdating. Nag-post din si Bing Loyzaga ng picture ni Alden at ng kanyang mom at ang caption ay, “Thank you @aldenrichards02 for putting a big smile on my mom’s face during this time of grief. You are truly deserving of all your blessings.” It turned out, fan ni Alden ang mom ni Bing.

Pero, hindi pa rin tapos ang isyu kay Alden. Tinatanong siya kung bakit hindi raw ito dumiretso sa reception ng wedding nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto at haggang church lang. May ibang babae naman daw na nakitang naghihintay kay Alden sa labas ng simbahan at binanggit pa ang pangalan ng isang singer-actress.

Kahit sinabi ni AiAi delas Alas na kaya hindi na pumunta sa reception si Alden dahil maaga ang call time ng Sunday Pinasaya, may mga nagtampo pa ring AlDub fans at binash si Alden.

Ipinagtanggol na ni Maine Mendoza si Alden sa bashers, pero ayaw pa ring magpapigil mag-emote ng mga ito. Saan nga ba pumunta si Alden after ng church wedding? Alam kaya ng GMA Artist Center ang nangyaring ito?

Dahil kay Ella, Chanel itsapuwera na

 Hindi lang ang Shark love team nina Shaira Mae at Mark Neumann ang natsugi nang pumasok ang Viva Communications sa TV5, dahil pati ang love team nina Akihiro Blanco at Chanel Morales na nagsimula sa Artista Academy ay wala na rin.

Kay Ella Cruz na ipinapareha si Akihiro at silang dalawa ang love team sa Avah Maldita episode ng Wattpad Presents TV Movie na mapapanod sa Saturday, 9 p.m., sa TV5. Kasama nila sa episode si Donnalyn Bartolome.

Okay naman ang tambalan nina Ella at Akihiro at masasanay ang viewers sa kanila kung masusundan ang kanilang pagtatambal. Exclusive sa Viva si Ella at exclusive sa TV5 si Akihiro, pero dahil ang Viva Communications na ang in charge sa programming ng network, magagawan ng paraan na masundan ang pagtatambal ng bagong magka-love team.

Gabby nakakarami na ng halik kay Carla!

Aba at nakakarami na ng halik si Gabby Concepcion kay Carla Abellana sa Because Of You. Pero walang dapat ipag-react si Tom Rod­riguez at ang wife ni Gabby dahil tra­baho lang ang ginagawa ng dalawa bilang Jaime at Andrea sa rom-com series ng GMA 7.

Nabasa namin ang synopsis at may continuation ang kissing scene nina Gabby at Carla last Friday. Nakasulat na three times hinalikan ni Gabby si Carla at pinupog pa niya ng halik ang aktres.

ACIRC

AKIHIRO

ALDEN

ANG

CARLA

ELLA

HINDI

MALOU

NBSP

PERO

VIVA COMMUNICATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with