Kasalang Oscar at MJ inusyoso ng mga foreigner; Mga bisita nina Pauleen at Vic hindi nagkandaugaga sa pagpa-picture kay Miss Universe
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

Dalawang kasalan ang pinuntahan ko noong Sabado kaya parang nag­lagare ako sa dalawang presscon.

First stop ko ang San Agustin Church dahil kabilang ako sa mga ninang sa kasal ng mga television reporter na sina MJ Marfori at Oscar Oida.

Two thirty p.m. ang nakalagay na oras sa imbitasyon ng MJ-Oscar wedding  pero may iba pa na ikinakasal nang dumating ako sa San Agustin Church.

Na-sight ko sa entrance ng simbahan ang mga turista na nag-uusyoso sa mga ikinakasal. Marami pala ang mga turista sa Intramuros tuwing weekend at marami rin ang nagpakasal sa San Agustin noong Sabado. Pangalawa sina MJ at Oscar sa mga ikinasal noong hapon at may mga sumunod pa sa kanila.

Naabutan ko na naghihintay sa pagsisimula ng kasal ang mga co-wedding sponsor ko, sina Atty. Felipe Gozon ng GMA 7, Noel Lorenzana at Papa Manny Pangilinan ng TV5, ang mga reporter ng TV5 at GMA 7.

Nagpista ang fans nang dumating sina Derek Ramsay, Cristina Gonzales at Senator Bongbong Marcos.

Mabilis lang ang wedding ceremony nina Oscar at MJ sa makasaysayan na simbahan ng San Agustin.

Hindi na ako dumalo sa wedding reception ng bagong kasal sa Palacio de Maynila dahil dumiretso ako sa Ayala Alabang para sa church wedding nina Bossing (Vic Sotto) at Pauleen Luna.

Hindi naman ako na-late kaya naabutan ko  ang pagmamartsa ni Pauleen patungo sa altar. Nakapagpakuha pa ako ng litrato, kasama sina Pia Guanio at Ryan Agoncillo.

Siyempre, pinagkaguluhan ng mga bisita si Miss Universe Pia Wurtzbach na isa sa mga abay.

Nagpakuha ng litrato na kasama si Pia ang halos lahat ng mga bisita sa simbahan dahil bihirang pagkakataon ‘yon na makikita at makakasama nila ang bagong Miss Universe.

AlDub fans todo hanap sa picture ng kasalan

May participation sa kasal nina Bossing at Pauleen sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil kasali sila sa offertory ng Eucharistic service.

Makulit ang fans ng AlDub dahil hindi sila natahimik hangga’t hindi nila nakikita ang mga litrato sa simbahan nina Alden at Maine. Hoping ang fans na susunod na sa pagpapakasal nina Bossing at Pauleen ang loveteam na kinababaliwan nila.

Aminado, maraming pinagdaanan bago natuloy ang kasalan

Habang nagaganap ang picture taking, may-I-sing sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo ng Ikaw Lamang Ang Mamahalin.

Live na inawit ng JoWaPao ang kanta na bagay na bagay ang lyrics sa love story nina Bossing at Pauleen.

Complete attendance ang lahat ng mga anak ni Bossing, sina Danica at Marc Pingris, Oyo at Kristine Hermosa, Vico Sotto, si Paulina at ang boyfriend nito.

Sure ako na mataas ang rating ng Eat Bulaga noong Sabado dahil live na napanood ang mga paghahanda nina Bossing at Pauleen, ilang oras bago sila naging opisyal na Mr. & Mrs. Vic Sotto. Ang “Pinagdaanan” ang word of the day noong Sabado dahil sa message ni Bossing para kay Pauleen, “Salamat for loving me for what I am. Kung anuman ako at ang mga pinagdaanan ko, tinanggap mo ako. I highly appreciate that” na sinuklian naman ni Pauleen ng “We’ve prayed for this for quite a while. Marami na rin tayong napagdaanan. I am so blessed that I’ll be sharing this life with you, and I’m so happy that I’ve found my home in you.”

Ipinakita rin sa Eat Bulaga ang bagong bahay na ipinagawa ni Bossing para kay Pauleen. Tapos na ang construction ng bahay at sa estimate ni Pauleen, isang buwan pa ang hihintayin nila para makalipat sa kanilang lovenest.

ACIRC AKO ANG BOSSING EAT BULAGA MGA PAULEEN SABADO SAN AGUSTIN SAN AGUSTIN CHURCH SINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with