Pero tuloy sa pagbibisyo dating sexy star nabubuhay na lang sa pamamalimos sa mga kaibigan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

Dumating ang pagkakataong tinalo ng mga pe­liku­lang hubaran ang mga proyektong pangdrama at komedya. Sila ang nagrereyna nu’n, kahit ano lang ang istorya ay siguradong bentang-benta sa ma­nonood, naging maganda ang buhay ng isang sexy star na walang kapaguran sa paggawa ng mga sexy movies.

Hindi man kataasan ang kanyang talent fee ay panalo pa rin siya, linggu-linggo yata ay may bago siyang pelikula, matagal na pinakinabangan ng female personality ang kanyang katawan.

Umikot ang gulong ng pelikula, naisantabi ang mga hubarang proyekto, balik na naman ang mga de-klaseng panoorin at ang komedya.

Nawalan ng raket ang sexy star, magkaroon man ay paminsan-minsan lang, pero nakababawi pa rin siya sa mga provincial shows.

Wala man siyang boses ay panalo na rin ang pagkendeng-kendeng niya sa entablado, kukuha siya ng mga lalaki sa audience at saka hahalikan, datung na ‘yun agad para sa sexy star.

Pero hindi siya maingat sa pera, bulagsak siya, hanggang sa tumumal na nang tumumal ang trabaho at nagbisyo pa siya. Du’n na nagsimulang bumagsak ang kabuhayan ng sexy star.

“Ngayon, para siyang namamalimos sa mga kaibigan niya, pahingi-hingi na lang siya ng datung, kapag hindi siya napagbigyan, e, siya pa ang galit. Nagbibisyo nga kasi siya, halos wala na siya sa tamang huwisyo, nakakaawa siya pero siya rin naman ang pumili sa sitwasyong meron siya ngayon,” kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang may kumuha sa kanya para sa isang show dahil sa pakiusap ng mga nagmamalasakit pa rin sa kanya ay napahiya ang mga ito. Alas onse nang tanghali ang kanyang calltime pero dumating siya nang alas onse nang gabi.

“Literal siyang Spell M ngayon. Matindi ang panga­ngailangan niya. Gaganda lang ang buhay niya kung babaklas na siya sa bisyo niya,” dagdag na detalye ng aming source.

Ubos!

Sen. Grace pilit hinahanapan ng butas, pati political ads hindi pinaligtas

Pinag-iinitan na rin ngayon pati ang political ads ni Senadora Grace Poe. Kinuwestiyon ng isang dating pulitiko ang pagpapalabas ng kanyang bayad na anunsiyo dahil parang inuunahan na raw nu’n ang magiging desisyon ng Supreme Court sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Napakasimple ng political ad. May babaeng nagtanong kung totoo bang disqualified na siya sa pagtakbo sa panguluhan. Sumagot ang babaeng nagwawalis, hindi raw, dahil binigyan siya ng kalayaan ng Supreme Court.

Nag-opinyon naman ang isang lalaki, ganu’n din daw ang nangyari nu’n sa kanyang ama, pero sa bandang huli ay pinayagan pa ring lumahok sa panguluhan si FPJ.

Kani-kanyang atake ngayon ang mga pulitikong may inaasintang mataas na posisyon sa gobyerno, pero bukod-tanging ang political ads lang ni Senadora Grace Poe ang kinuwestiyon, lahat na lang ng butas ay nasisilip at ibinabato laban sa senadora.

Palibhasa’y nakukuha ng senadora ang simpatya ng publiko, palibhasa’y ramdam ng mga kalaban na malusutan lang niya ang mga kumukuwestiyon sa kanyang residency at citizenship ay babaligtad ang bangka, kaya sa kanya nakatuon ngayon ang atensiyon ng kanyang mga katunggali.

Pero ang Supreme Court pa rin ang huhusga, ang sambayanang Pinoy pa rin ang mamimili ng gusto nilang mamuno sa ating bayan, hindi ang mga taong walang nakikitang maganda sa kanya ngayon dahil isa siyang tinik sa lalamunan ng mga nakikipag-agawan sa kanya sa puwesto.

Sabi nga sa isang kumpulan ng mga pulitiko, kapag nalusutang lahat ni Senadora Grace Poe ang mga isyung legal na isinasampal sa kanya ngayon at kapag nanalo siya sa panguluhan, ay wala nang mas tatamis pa sa kanyang tagumpay.

ACIRC ANG KANYA KANYANG LANG MGA NGAYON RIN SENADORA GRACE POE SIYA SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with