Kalyeserye bibida sa kasalang Vic-Pauleen!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2016 - 9:00am

PIK: Malungkot ang mga taga-Walang Tulugan with the Master Showman nang makausap namin kahapon dahil tatapusin na pala ito ng GMA 7.

Kahapon ang huling taping nila na hindi lang kami tiyak kung dalawang episode ang kanilang tinapos.

Ang dinig namin, nakikiusap pa ang production staff na sana paabutin man lang ito ng 40 days ni Kuya Germs.

Pero nakapag-decide na ang mga GMA bosses na hanggang dito na lang ang naturang show.

Wala pa kaming nakuhang impormasyon kung ano ang ipapalit sa 20-year-old variety show ni Kuya Germs.

PAK: Sabi ng tatlong lola ng Kalyeserye na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros, may pasabog sila sa reception ng kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna mamayang gabi.

Siyempre, pormal-pormalan sila at JoWaPao daw muna sila sa simbahan, pero ang dapat daw abangan ay ang pagdating nila sa reception.

Ang nakakakilig namang AlDub ay nasa offering ng misa, pero biro ni Alden Richards, magpa-practice na raw sila ni Maine Mendoza doon sa simbahan sakaling umabot nga sa kasalan ang kanilang loveteam.

BOOM: Tinitiyak ni Jiro Manio na magaling na raw talaga siya at nakahanda nang bumalik sa pag-arte.

Medyo naalangan daw siya nu’ng una, at nag-text pa siya kay AiAi delas Alas na parang hindi pa siya handa na mag-showbiz uli.

Pero tingin daw niya ay makakapag-adjust siya agad, dahil gusto na niyang mag-focus sa trabaho at patunayan kay AiAi at sa kanyang pamilya na okay na talaga siya. “Siguro po hindi ko na dapat pang isipin ‘yung mga nangyari nu’ng nakaraan.

“Na-realize ko kasi wala na akong dapat balikan pa sa nangyari sa nakaraan kasi lahat naman po ‘yun…hindi naman maling-mali.

“Kumbaga, ‘yung mistakes ko lang sa buhay ko, mga pagkakamali ko napagsisihan ko na. ‘Yung mga bagay na hindi ko na dapat balikan, iniwan ko na.

“Nag-promise po ako kay Mama Ai na aayusin ko, hanggang sa makabangon ako at suklian ko ang lahat ng mga tulong niya sa akin,” seryosong pahayag ni Jiro nang makapanayam namin.

Medyo tumaba si Jiro, kaya puspusan ang pag-ensayo niya sa gym at pinag-workshop pa ni AiAi bilang paghahanda niya sa pagbalik-showbiz.

Kasama si Jiro sa pelikulang gagawin ni AiAi sa Regal Films.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG JIRO JIRO MANIO JOSE MANALO KUYA GERMS MAINE MENDOZA MAMA AI MASTER SHOWMAN STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with