^

PSN Showbiz

Renewal of vows nina Heart at Chiz kanselado!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban daw pala ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang kanilang sana ay planong renewal of wedding vows sa kanilang first wedding anniversary sa Pebrero 15 dahil may mga dinaramdam na sakit ang daddy ng aktres na si Rey Ongpauco.

Bulong ng source, bukod dito, nakatakda ring magtungo sa U.S. si Mommy Cecile Ongpauco, ang ina ni Heart upang dalawin ang isang kapatid niya sa Amerika.

Ayaw din umanong makulayan ng pulitika ni Chiz ang okasyon dahil isa siya sa mga tumatakbong bise presidente sa darating na halalan.

Simple na lang daw ang selebrasyon ng mag-asawa sa Pebrero 15 dahil busy sila sa kani-kanilang mga career.

Mag-uumpisa na ang kampanya ni Chiz sa Pebrero 9 samantalang si Heart naman ay kabi-kabila ang projects bilang visual artist.

Matatandaang hindi nakadalo ang parents ni Heart sa kanilang Balesin wedding ni Chiz dahil sa naunang hindi pagkakaunawaan.

Mayo na noong nakaraang taon nang napaulat ang pagganda ng relasyon ni Chiz, Heart at ni Daddy Rey at Mommy Cecile.

Ryan Agoncillo ipinasilip na si Baby Luna

Proud daddy si Ryan Agoncillo dahil sa unang pagkakataon ay ipinakita na niya ang litrato ng kanyang anak na si Juana Luisa o Luna. Sa kanyang Instragram account ay pinost ng Ismol Family actor ang mga litrato ni Baby Luna kasama ang asawang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan at Lucho. Bumuhos ang mga pagbati at masayang mensahe ng fans kay Ryan at sa kanilang pamilya. January 8 isinilang ni Judy Ann si Baby Luna at ito na ang pangatlong anak ng mag-asawa.

Jay Arcilla ng Starstruck, pasok sa Little Nanay

May panibagong karakter muli ang papasok sa inaabangang drama na Little Nanay. Pasok ang Starstruck avenger na si Jay Arcilla sa serye at gagampanan niya ang karakter na Reggie.

Ano kaya ang magiging papel niya sa buhay nina Tinay (Kris Bernal) na ngayon ay dumadaan sa matinding pagsubok dahil sa pagkawalay kay ChieChie?

ANG

BABY LUNA

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DADDY REY

HEART EVANGELISTA

ISMOL FAMILY

JAY ARCILLA

LITTLE NANAY

PEBRERO

RYAN AGONCILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with