_ngayon
^

PSN Showbiz

Regine ginagawang kapaki-pakinabang ang IG account

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napupuri si Regine Velasquez dahil hindi lang puro OOTD, food, travel at pagpo-promote ng concerts niya ginagamit ang kanyang Instagram (IG) account, pati sa ibang isyu na makakatulong sa mga ordinaryong tao.

Ni-repost nito ang panawagan para mahanap ang UP student na si Jasper Calalang na missing at hindi na nakauwi gayung ang paalam sa parents niya ay mag-i-enroll lang.

Sa rami ng celebrities na pina-follow namin sa IG, si Songbird lang ang nag-repost sa panawagan, picture ni Ian pati ang link na http://upd.edu.ph/statement-of-up-diliman-on-missing-upd-student-ian-jasper-calalang/.

But of course, matutuwa ang Starmedia at IME, producers ng Ro­yals dahil hindi nakakalimutan ni Regine na i-promote ang February 13 concert nila nina Erik Santos, Angeline Quinto at Martin Nievera sa SM MOA Arena. Pati ang Feb. 14, concert sa Waterfront Cebu.

Derek pinaghandaan ni Mother Lily

Ang ganda-ganda ni Mother Lily Monteverde sa presscon ng Love Is Blind, naka-make-up at ang ganda ng suot na damit. Nang tanungin ng press people kung bakit ang ganda-ganda niya that night, “because of Derek Ramsay” ang kanyang isinagot. Kaya pala nagpakuha ng picture ang lady producer sa aktor bago ang presscon.

Ang lakas ng tawa ni Mother Lily nang biruin ng press people na isusumbong siya kay John Lloyd Cruz dahil sa presscon ng Honor Thy Father, inaming si John Lloyd ang number one favorite niya.

Kinongratulate rin ng press sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa box-office success ng Haunted Mansion.

Ang narinig namin, sa 2016 MMFF, si Janella Salvador pa rin ang magbibida sa entry nila na isa ring horror.

Samantala, ang Love Is Blind ay showing sa February 3 at sa trailer pa lang, masaya at nakakatawa na ang pelikula ni Director Jason Paul Laxamana. Mukhang tatabo rin ito sa takilya at masusundan ang project ni Direk Paul sa Regal at masusundan ang pagbibida ni Kiray Celis.

Andre seryoso pag nasa taping

Nakasama ni Rey Pumaloy si Andre Paras sa taping ng That’s My Amboy at nakita ni Rey kung gaano ka-dedicated ang young actor. Hindi na nag-attempt si Rey na interbyuhin si Andre dahil nakitang tutok sa pagmememorya ng kanyang script.

Naisip na lang ni Rey na talagang gustung-gustong maging successful sa showbiz ni Andre dahil sa kanyang naobserbahan. Kaya naman sa eksena nila na magkasama, maayos nitong nagawa ang hiningi ni Direk Joyce Bernal.

Sa January 25, pagkatapos ng 24 Oras ang time slot ng That’s My Amboy na tampok ang love team nina Andre at Barbie Forteza. Sa teaser na pinalalabas ng GMA 7, panalo ang rom-com series dahil light at masaya lang ito.

Masuwerte si Andre dahil parehong tanggap ng fans ang dalawa niyang love team. Si Barbie sa TV at si Yassi Pressman sa movies at sila uli ang magkapareha sa Viva Films movies na Girlfriend for Hire na showing sa February 17.

Carla dalawang linggo nang may sakit

Two weeks na palang may sakit si Carla Abellana, pero tuluy-tuloy pa rin ang taping nito ng Because Of You, kaya hindi siya nawawala sa eksena. Mahirap kay Carla ang mag-absent dahil siya ang lead actress at hahanapin siya ng viewers.

Nataranta lang ang followers ni Carla sa Instagram(IG) sa rami ng tini-take niyang gamot. Ini-explain naman nito kung bakit.

ALIGN ANG CARLA DAHIL LEFT LOVE IS BLIND MOTHER LILY MY AMBOY NBSP QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with