Komedyana feeling namolestiya… Derek kinain ang labi ni Kiray!

Star na star si Kiray Celis sa presscon ng Love is Blind, ang Valentine’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc.

Hindi nagkamali si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle sa kanilang desisyon na si Kiray ang i-cast bilang alter ego ni Solenn Heussaff sa Love is Blind.

Tuwang-tuwa at tawang-tawa ang mga reporter sa mga pasabog ni Kiray na umamin na virgin pa siya sa edad na 19.

Naloka rin ang press sa reklamo ni Kiray na kinain ni Derek Ramsay ang labi niya sa kissing scenes nila sa pelikula.

Feeling violated si Kiray dahil hindi simple smack ang halik sa kanya ni Derek.

Nagsimula ang acting career ni Kiray bilang childstar kaya parang beterana na siya sa showbiz.

Hindi nagdaan si Kiray sa awkward stage na karaniwan na nararanasan ng mga childstar. Sa kaso ni Kiray, never siya na nawalan ng mga pelikula at television show.

Ang Love Is Blind ang biggest movie break ni Kiray kaya todo-pasasalamat siya kina Mother Lily at Roselle.

Inaabangan ng moviegoers ang playdate ng Love Is Blind dahil malakas ang dating ng trailer ng pelikula.

Asawa ni Solenn siguradong hindi seloso

Bale-wala ang denial ni Solenn Heussaff na kasal na sila ng kanyang Argentinian fiancé dahil mas marami ang kumbinsido na nag-asawa na siya.

Hindi naman isyu kung legally married na si Solenn dahil nasa wastong edad na siya para lumagay sa tahimik.

Mukhang hindi seloso ang “asawa” ni Solenn dahil pumayag ito na makatrabaho ng kanyang dyowa ang ex-boyfriend nito na si Derek Ramsay.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon nina Derek at Solenn. Maganda ang kanilang pinagsamahan kaya nag-flashback sa kanya ang happy moments nila ni Solenn nang magsimula ang filming ng Love Is Blind.

Siyam na taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sina Solenn at Derek pero naging friends sila dahil kung hindi, dededmahin nila ang Love Is Blind.

Kean at Chynna, normal lang na magka-anak!

Hindi na pinilit ng mga reporter na magkuwento tungkol sa pagpapakasal nila ni Chynna Ortaleza dahil gusto ng newly weds na maging pribado ang kanilang buhay.

Pinagbigyan ng mga reporter ang pakiusap ni Kean Cipriano sa presscon ng Love is Blind dahil knows nila na kahit hindi mag-share si Kean, siguradong magpo-post sa social media si Chynna tungkol sa personal activities nila.

No need para kulitin si Kean tungkol sa tsismis na buntis na si Chynna. Normal lang na magkaroon sila ng anak dahil nagsasama na ang dalawa sa iisang bubong.

Madaling sumagot ng oo o hindi. Para hindi sagutin ni Kean ang tanong kung buntis ang dyowa niya, may idea na tayo sa tunay na kalagayan ngayon ng kanyang misis.

Show comments