Negosyo mula sa basura, ibibida ni Karen Davila!
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – May pera sa basura. Ito ang papatunayan ni Karen Da­vila ngayon sa My Puhunan, kung saan itatampok niya ang isang matagumpay na novelty shop na nagbebenta ng mga iba’t ibang abubot na gawa sa mga itinuturing nang basura.

Kilalanin ang pamilya sa likod ng tindahang Papemelroti, na gumagamit ng mga retasong tela, lumang dyaryo at papel, at kung anu-ano pang materyal na ginagawang accessories, gamit pambahay, school supplies, at panregalo.

Si Patsy Alejandro Paterno ang isa sa limang magkaka­patid na may-ari ng Papemelroti. Natuto sila sa yumaong ina na palaging sinasabi noon na gamitin ang kanilang ima­hinas­yon at kamay para kumita ng pera.

Sa magandang halimbawa ng ina, natutunan ng li­mang mag­kakapatid na magnegosyo na may konsensiya – konsen­siya sa kapwa, kapaligiran at tiyaking walang nasa­sayang. Ipinangalan rin sa kanilang magkakapatid (Patsy, Peggy, Meldy, Robert at Tina) ang negosyong PAPEMELROTI.

Abangan ang kwento ng Papemelroti sa My Puhunan, ma­maya, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang oras sa DZMM TelaRadyo (SkyCable channel 26), 9:30PM.

 

ABANGAN ACIRC ANG BANDILA IPINANGALAN ITO KAREN DA MY PUHUNAN PAPEMELROTI SHY SI PATSY ALEJANDRO PATERNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with