^

PSN Showbiz

Kaya inaayawan ng mga lalaki female personality nakabase sa Feng Shui ang pakikipagtsugian

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na raw umaasa sa feng shui ang isang kilalang babaeng personalidad. Nagkaroon kasi ng pagkakataon na sobra-sobra ang paniniwala ng female personality sa feng shui.

Komento ng isang dating malapit sa babaeng personalidad, “Okey lang namang maniwala siya sa feng shui, pero pati ba naman ang personal niyang buhay, e, ipasasakop niya sa kung ano ang sinasabi ng feng shui.

“Nakakalimutan na kasi niya ang mahahalagang tao sa paligid niya, tulad ng husband niya nu’n, hindi siya nakikipag-make love kapag hindi swak ang gabing ‘yun sa sinasabi ng moon.

“Totoo! Kailangan, kapag nag-lovemaking sila ng asawa niya, e, ayon sa feng shui, kung puwede, pero kung hindi, tiis-tiis na lang muna ang mister niya!

“Ano’ng nangyari? May lalaki ba naman kasing tatagal sa ganu’n na pati ang pagla-lovemaking nila, e, ayon pa rin sa kung ano ang sinasabi ng buwan? Nagkahiwalay sila.

“Ang karelasyon ngayon ng guy, e, isang babaeng walang pakialam sa feng shui, puwede silang magtabi kahit anong oras, hindi nila kailangang sundin ang sinasabi ng moon,” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Kapag naghahanap ng makakarelasyon ang babae ay nagsusuot siya ng mga pulseras na kulay pink, hugis-puso ang lahat ng beads, ‘yun daw ang pinakamalakas na atraksiyon sa mga kalalakihan.

Pero dahil wala namang nangyayari sa kanyang lovelife ay mukhang sinawaan na ang female personality sa paniniwala sa feng shui. Sarili na niyang diskarte ang ginagawa niya ngayon.

May isang kilalang personalidad na nakarelasyon niya, pero nagising agad sa katotohanan ang lalaki, iniwan siya sa ere. May kuneksiyon pa rin sa feng shui ang pangyayaring ‘yun?

Mabilis na reaksiyon ng aming impormante, “Naku, may feng shui o wala, e, talagang walang mangyayari sa lovelife niya. Pabagu-bago ang takbo ng utak niya, mabuti pa nga ang bagyo at alam natin ang direksiyon, pero ang utak ng maarteng babaeng ‘yun, hindi!”

Ubos!

Umaapaw sa pagmamahal simula pagkabata Sen. Grace never naramdamang hindi kadugo nina Susan at FPJ

Siguradong inaatake na ng nerbiyos ngayon ang mga katunggali sa panguluhan ni Senadora Grace Poe. Nagbaba na ng desisyon ang Supreme Court, hindi tatanggalin ang kanyang pangalan sa mga balota, tuloy ang laban, walang maiiwan at walang mang-iiwan.

Tuluy-tuloy lang ang pag-iikot sa buong bansa ng senadora, kailangan niyang idiin sa ating mga kababayan na tuloy ang kanyang pagkandidato, huwag dapat maniwala ang mga Pinoy na hindi na siya kasali sa mga kumakandidato sa pa­nguluhan.

Masuwerte si Senadora Grace Poe dahil nand’yan lang ang kanyang ina, si Ms. Susan Roces, na palaging nakaayuda sa kanyang mga kailangan. Kahit sa pagkakataong naglitawan na ang mga nagsasabing tunay niyang kadugo ay walang anumang nagbago sa pagmamahal ng aktres sa kanyang anak.

Madalas sabihin ni Senadora Grace, “Mula nu’ng maliit pa ako hanggang sa lumaki na at nagkaroon ng sariling desisyon, hindi ko naramdaman kailanman na ako’y hindi tunay na dugo ng mga magulang ko.

“Hindi ako nasabik sa pagmamahal dahil araw-araw nilang ipinararamdam ‘yun sa akin. Totoong hindi kumpleto ang aking buhay dahil hindi ko alam kung sino ang tunay kong mga magulang pero pinunan nila ang mga kulang sa buhay ko,” sinserong inililitanya ng senadora.

Dininig ang panalangin ng mga kababayan nating naghihintay ng isang bagong umagang darating. Paulit-ulit na ipinaaalala ni Senadora Grace Poe, “Walang maiiwan at walang mang-iiwan. Sama-sama po tayo, tuloy ang ating laban.”

ACIRC

ANG

FENG

HINDI

MGA

MS. SUSAN ROCES

NIYA

SENADORA GRACE

SENADORA GRACE POE

SHUI

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with