_ngayon
^

Rocco at Lovi hindi talaga nag-break, scripted daw para sa career?! Bagong Darna hindi artista?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

PIK: Ang sayang panoorin ng Walang Tulugan kamakalawa ng gabi dahil kitang nagkakai­sa talaga ang mga artistang pinasikat ni Kuya Germs at mga nakatrabaho niya.

Tinupad ni Nora Aunor ang pangako niyang ipagpatuloy ang mga programa ng namayapang Master Showman. Kaya maaga pa lang ay duma­ting na ito sa studio at bigay na bigay ang hosting sa naturang programa.

Nangako si Ate Guy na babalik siya sa susunod na taping ng Walang Tulugan basta wala siyang taping sa Little Nanay o shooting.

Pati ang karamihang alumni ng That’s Entertainment ay nangakong magkikita pa rin sila at patuloy na magre-reunion para maitayo lang ang iniwang programa ni Kuya Germs.

PAK: Pinaplantsa na ngayon ng production staff ng Star Cinema at Reality Films ang pelikulang Darna na pinaghandaan nila nang husto.

Nang mapanood sa mga sinehan ang teaser nito, hinuhulaang si Jessy Mendiola raw ‘yung Darna na naka-hood. Meron ding nagsasabing si Angel Locsin pa rin daw ito.

Pero sa totoo lang, hindi artista ‘yung pinaganap na Darna sa teaser, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring napagdedesisyunan kung sino na talaga ang gaganap na Darna.

Totoo bang kinu-consider pa rin daw si Angel na gaganap, dahil siya talaga ang gusto ng Star Cinema?

Nang huling tanungin ang Kapamilya actress tungkol dito, wala na siyang malinaw na sagot. Ang tanging nasagot lang niya ay “‘di ba nag-deny na ako nun?”

BOOM: Totoo kayang hindi talaga nag-break sina Lovi Poe at Rocco Nacino?

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nila sinasagot ang tungkol sa isyung break-up.

Ang totoo raw diyan ayon sa aming reliable source, pinagsabihan silang huwag magsama palagi at huwag isapubliko ang kanilang maganda at masayang pagmamahalan dahil ito na lang daw lagi ang tinatanong sa kanila. Tingin ng mga nagha-handle ng kanilang career,  hindi ito nakaka­tulong sa kanila. Kaya mas mabuting huwag na muna silang makitang magkasama at huwag nang i-hype ang kanilang relasyon. 

Tingin naman ng karamihan, magandang career move nga itong hindi na i-open ang kanilang relasyon.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN ATE GUY DARNA JESSY MENDIOLA KAYA KUYA GERMS NBSP STAR CINEMA WALANG TULUGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with