Pumatok kasi... Janella mananakot uli sa Pasko!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

“Tsamba lang” ang sagot ni Mother Lily Monteverde sa mga bumabati sa kanya dahil blockbuster noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 ang Haunted Mansion.

Ang Haunted Mansion ang surprise hit sa MMFF 2015 kaya may plano na magkaroon ng sequel ang youth oriented horror movie ng movie company ni Mother Lily. Kung gagawan ng sequel ang Haunted Mansion, si Janella Salvador lang ang sure na kasama dahil natsugi ang lahat ng co-stars niya sa pelikula.

Sheryl pulang-pula sa Walang Tulugan habang nagluluksa ang show

Na-miss ko noong Sabado ang Walang Tulugan With The Master Showman dahil midnight na nang magsimula ito.

Marami ang nagkuwento sa akin na masaya ang episode ng Walang Tulugan, kahit wala si Kuya Germs.

Tribute kay Kuya Germs ang Walang Tulugan noong Sabado kaya umapir ang mga artista na natulungan niya.

Siyempre, nandoon sina John Nite, Shalala, at si Nora Aunor na gustong ituloy ang misyon ni Kuya Germs.

Mga guest din ang mga miyembro ng That’s Entertainment, ang youth-oriented show na pinasikat ni Kuya Germs.

Puti ang kulay ng damit na required na isuot ng mga guest pero may nagkuwento sa akin na namumukod-tangi si Sheryl Cruz dahil red ang outfit niya, pati ang kanyang sapatos. Ang sey umano ni Sheryl, hindi nito natanggap ang memorandum tungkol sa required color na dapat isuot ng invited guests.

Mga dating taga-That’s OA pa rin ang kumpetisyon!

Hanggang ngayon pala, matindi pa rin ang competition sa pagitan ng That’s Entertainment members, kesehodang matagal nang natsugi ang kanilang show.

Nag-emote daw ang isang former male member ng That’ s Entertainment na masisiba ang ibang mga miyembro dahil ginawa silang mga back-up sa production number sa Walang Tulugan.

Naloka ang mga dating miyembro ng That’s Entertainment sa pagtataray ng ex-member na nameless at hindi naman sumikat pero feeling sikat.

Huwag n’yo nang pilitin na malaman ang name ng hindi sumikat na aktor dahil sure ako na hindi n’yo rin sila kilala.

Joross walang planong magpaliwanag sa kanyang video na pinaliligaya ang sarili

Babalik na ng Pilipinas si Joross Gamboa pero wala itong plano na sagutin ang video scandal na kinasasangkutan.

Correct ang pasya ni Joross na huwag i-dignify ang isyu dahil wala siyang kailangan na ipaliwanag. Dapat pa nga na pasalamatan siya ng mga nakapanood ng kanyang alleged video scandal dahil napasaya sila ni Joross sa loob ng walong minuto.

ACIRC ANG ANG HAUNTED MANSION DAHIL HAUNTED MANSION JANELLA SALVADOR JOROSS KUYA GERMS MGA NBSP WALANG TULUGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with