^

Pulis ginawang dancer OTWOL nag-sorry sa PNP

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Binalikan nina James Reid at Nadine Lustre ang San Francisco, California kung saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa hit primetime series na On the Wings of Love.

Binisita ng ‘engaged couple’ sa ikalawang pagkakataon ang Palace of Fine Arts na isang espesyal na lugar sa kanilang love story dahil dito inalok ni Leah (Nadine) si Clark (James) na pakasalan siya para makakuha ng green card. Mas pinag-uusapan ngayon ang kahihinatnan ng pag-iibigang Clark at Leah dahil sa muling pagbalik nila sa San Francisco.

Samantala, nagpakilig din sina James at Nadine sa libu-libong fans sa Sacramento Memorial Auditorium sa ginanap na On the Wings of Love Certified Fans Day. Malakas ang hiyawan ng solid fans nang makita ang paboritong love team na humataw sa sayawan at kantahan.

Ayon kay Mr. Ricky Resurreccion, ABS-CBN North America head of ad sales, events and trade marketing, na hindi lang basta fans day ang naganap kung saan nagmaneho pa ng kung ilang oras ang mga Pinoy papunta sa Sacramento para mapanood ang dalawa. Ang iba raw ay galing pa ng San Diego, Las Vegas, Arizona, Texas, Wisconsin, Connecticut, New Jersey, New York, Canada, New Zealand and even Macau na hindi lang basta kiligan at tilian ang naganap kundi kakaibang karanasan ang naihatid ng fans day sa mga dumayong Pinoy.

Lilipad din sina James at Nadine sa Middle East sa Marso para sa JaDine in Love: The World Tour ng TFC.

Samantala, naglabas ng press statement ng OTWOL kung saan may ilang nagreklamo na nabastos ng programa ang pamunuan ng Phi­lippine National Police (PNP) nang magsayaw si Clark (James) bilang policeman sa bridal shower ni Leah (Nadine).

Narito ang kabuuan ng statement: 

“On the Wings of Love would like to apologize for a short scene that aired last Monday (January 11), which unfortunately showed the main character Clark dancing as a policeman for Leah in her bridal shower. The program has called the attention of its production team and assures the public that there was no intention to disrespect the sanctity of the Philippine National Police (PNP) uniform. We do not want to jeopardize our good relations with the PNP and will make sure that it will not happen again.”Lalabas na ng rehab

Jiro nangako sa diyos at kay AIAI na hindi na mag-aadik

Ibinalita ni AiAi delas Alas na lalabas na sa rehab center ang anak-anakan niyang si Jiro Manio.

Ini-upload niya sa kanyang Instagram account ang palitan nila ng text messages ng actor na naligaw ng daan na tinutulungang ituwid ni AiAi. “Malapit na lumabas si Jiro. Yeheyyyy! Salamat sa lahat ng nagdasal at sumuporta sa kanya,” pagbabalita ni AiAi.

Binilinan din niya ito na sana ay ‘wag nang babalik sa droga at sana ay magsipag na siya. “Matanda na rin naman ako. Pag nawala ako paano ka? Please mangako ka kay GOD na aayos ka na.”

Sabi naman ni Jiro : “Opo nagbago na po ako. Wait ko po na sunduin n’yo ako. Excited na din akong lumabas.”

Si AiAi din ang sasagot sa titirhang bahay ni Jiro paglabas nito ng rehab.

Gabby pang-third life na ang pagiging yummy

Tuwang-tuwa si Gabby Concepcion dahil tumatak na talaga sa manonood ang kanyang karakter sa hit primetime series na Because of You. Pa’no ba naman kasi, kahit saan siya magpunta ay Boss Yummy na ang tawag sa kanya! Masarap daw ito sa pakiramdam dahil para sa kanya third life na niya na maituturing ang project na ito sa GMA 7. Natutuwa rin siya dahil nagkaroon siya ng chance na makatrabaho sa seryeng ito sila Carla Abellana, Rafael Rosell, etc at maging si Direk Mark Reyes.

THS halos dalawang taon din umere

Ngayong araw magaganap ang pinaka-aabangang pagwawakas ng The Half Sisters. At matapos nga ang isang taon at 8 buwang pamamayagpag sa ere ay mamamaalam na sa manonood ang mga karakter na minahal ng lahat na pinangungunahan nina Barbie Forteza bilang Diana at Thea Tolentino bilang Ashley.

At sa huling episode ng serye, matatapos na rin kaya ang lahat ng paghihirap sa buhay ng magka­patid? Magkakaroon naman kaya ng happy ending ang love story nina Diana at Bradley (Andre Paras)?                                              

ACIRC ALIGN ANG JIRO LEAH LEFT NADINE NBSP ON THE WINGS OF LOVE QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with