Yassi hindi pinag-uusapan ang ‘ibang babae’ ni Andre
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

Kasamang humarap sa press si Yassi Pressman sa presscon ng Born to be a Star dahil siya ang co-host ni Ogie Alcasid sa reality singing competition na mapapanood sa TV5, pero katulong na ang Viva Communications, Inc., sa pagpapatakbo ng entertainment department.

Ipinakilala si Yassi bilang “Viva Princess” at sabi nito, feeling lucky siya to be given such title. Dagdag pa nito, matagal na ang relasyon niya with Viva at inalagaan na siya mula nang gawin ang Diary ng Pa­nget.

Very excited si Yassi sa first time niyang pagiging co-host, pero dahil nakasama na niya si Ogie noong pareho pa silang nasa GMA 7, komportable na siyang makatrabaho ito. Naalala nga ni Yassi noong nasa Kapuso Network pa sila ni Ogie dahil isa ito sa naniniwala sa kanyang kakayahan.

Magiging busy din si Yassi sa promo ng movie nila ni Andre Paras na Girlfriend For Hire na showing sa February 10. Bukas nga ay may Meet and Greet sila with the YanDre fans sa Music Hall.

Tinanong namin si Yassi kung hindi ba mahirap na ang ka-love team niya sa Viva Films movies ay may ibang ka-love team sa mga teleseryeng ginagawa sa GMA 7?

“Mahirap din, kasi iisipin mo nahahati ang fans ng love team namin ni Andre. Ang maganda, naiintindihan ng fans ng dalawang love teams na trabaho lang ito. Iniisip din namin ni Andre na nagtatrabaho lang kami. Hindi rin namin pinag-uusapan ang isa niyang love team ‘pag magkasama kami at hindi ako nagtatanong. I’m sure, hindi rin ako pinag-uusapan nina Andre at Barbie (Forteza) ‘pag sila ang magkasama. Ang importante, masaya ang fans ng two love teams,” sabi ni Yassi.

Paolo malapit na sa anak ni LJ!

Kasama pala nina LJ Reyes at anak na si Aki si Paolo Contis sa kanilang bakasyon sa New York nitong Kapaskuhan. Nakita namin ang picture nina LJ at Paolo sa Instagram (IG) ng aktres at kasama nila habang kumakain ang mom at sister ni LJ at ang family ng sister nito.

Obvious na ipinakilala na ni LJ si Paolo sa kanyang pamilya na naninirahan sa Amerika. Ang ganda ng caption ni LJ sa pinost niyang pictures, pero parang walang special message kay Paolo.

Sabi ni LJ: “The reason why travelling thousands of miles doesn’t tire me out! Best Christmas and birthday present I got was to spend the holiday with them. Though time feels so short, every minute fills my heart with so much joy and love. Every second cherished far beyond what you call memory. For this, I am very grateful to God.”

Isang follower ni LJ ang nag-comment na mabuti pa ang isang Paolo (si Paulo Avelino ang ama nito), nag-spent ng oras kasama si Aki. Deserve raw ni Aki na magkaroon ng very responsible adult sa kanyang buhay. Pinuri nito si Paolo Contis.

Serye nina Miguel at Bianca giveaway na sa trailer ang buong kuwento?!

Sunud-sunod ang pagpapalabas ng trailer ng Wish I May, ang bagong Afternoon Prime na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at B­ianca Umali dahil sa January 18 na ang pilot airing nito.

Napansin lang namin na parang ibinigay na ang lahat sa story ng Wish I May sa trailer dahil alam na kung sino ang ina ni Bianca, kung sino ang ama at kung bakit hindi sa tunay na parents siya lumaki. Parang wala nang itinago ang story, unless may kakaibang twist na mangyayari habang tumatakbo ang story.

Masuwerte sina Miguel at Bianca dahil sa magagaling na artista ang kasama nila sa Wish I May kabilang sina Camille Prats, Alessandra de Rossi, Mark Anthony Fernandez, at Glydel Mercado.

ACIRC AFTERNOON PRIME AKI ANDRE PARAS ANG BEST CHRISTMAS BIANCA NBSP PAOLO CONTIS WISH I MAY YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with