Magandang aktres hindi na nagparamdam sa male personality pagkatapos lawayan!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

Mabilis silang nagkagustuhan pero mabilis din silang nagkahiwalay. Parang kuwento ng kantang Isang Linggong Pag-ibig ang kinauwian ng relasyon ng isang magandang aktres at ng isang male personality na kilala sa kanyang linya.

Napakabilis ng mga pangyayari. Nagkita sila sa taping ng isang show, nagkapalitan sila ng cellphone number, mula nang gabing ‘yun ay nagtawagan na sila.

Walang tulugan ang pag-uusap nila, babaran kung babaran sa cellphone ang nangyari, hanggang sa magliyab na ang kanilang mga tenga.

Mabilis silang nagkasundo na kinabukasan ay magkikita sila. Susunduin ni lalaki si babae sa taping at pagkatapos ay tutuloy sila sa condo unit ng male personality.

Pasok sa banga ang plano. Pagkatapos ng taping ng aktres ay nandu’n na agad ang male personality, sinusundo na si babae, nagkakahiyaan pa sila nu’ng una dahil sa bilis nga ng mga pangyayari.

Pagdating sa condo unit ng lalaki ay nag-wine-wine muna sila, nagkuwento ang babae tungkol sa kanyang personal na buhay, ganu’n din ang male personality.

Malakas ang imbitasyon ng pagbiyahe sa langit ng kaligayahan, pareho silang nadarang, naganap ang inaasahan nilang mangyari pero hindi sa ganu’n kabilis na panahon.

Ilang ulit silang bumiyahe sa langit, para silang mga paslit na kapos sa atansiyon at pagmamahal, hanggang sa sumuko na ang kanilang mga katawan sa kapaguran.

Ihinatid na ng male personality ang aktres sa kanyang bahay, bago bumaba ang babae sa kotse ay nangako pa siya na hindi ‘yun ang una at huli nilang pagsasama, kaya asang-asa naman si lalaki.

Shocking na kuwento ng aming source, “That same day, tawag nang tawag si ____(pangalan ng male personality) sa girl, pero iba na ang number niya. Hindi na niya makontak ang babae. Nakakaloka!

“Ano ‘yun? Nakipaglaro lang ang girl sa kanya? Balewala lang sa kanya ang nangyari? Idinaan lang niya sa paligo ang nangyari sa kanilang ng guy?”

Ubos!

Pops mas mukha pang bata sa kanilang panganay ni Martin

Nu’ng nagmamarka na ang itsura at pangalan ni Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat…Bulaga ay maraming nakapansin, malaki ang pagkakahawig nila ni Pops Fernandez, sa maraming anggulo ay parang magkapatid sila ng Concert Queen.

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang kanilang pagkakamukha, kahit sa mga pagkakataong nilulukut-lukot ni Maine Mendoza ang kanyang mukha ay si Pops Fernandez pa rin ang nakikita sa kanya ng manonood, wala ba silang relasyon sa dugo?

Siyempre’y aliw na aliw si Pops nang may nagsabi sa kanya na malaki ang pagkakahawig nila ni Maine Mendoza, marami na raw siyang naririnig na ganu’ng pagkukumpara, pero tinatawanan lang niya.

Nu’ng baguhan pa lang si Pops ay mas kamukha niya si Maine, magkaporma rin sila, may magkabilang dimples lang si Pipay na wala kay Yaya Dub at napunta kay Alden Richards.

Kasama ang Concert Queen bilang judge sa bagong talent search ng TV5 at Viva Entertainment, ang Born To Be A Star, ang kaibigan niyang si Ogie Alcasid ang host ng show.

Kuwento ng isang kaibigan namin, “Nakita ko sa isang shop si Pops nu’ng minsan kasama ang dalawang anak nila ni Martin (Nievera). Hindi siya tumatanda, parang magkakapatid lang sila.

“Pati sa pananamit, bagets na bagets si Pops, mas mukhang matanda pa nga sa kanya ang panganay nila ni Martin!” komento ng aming kausap.

Aray ko!

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BORN TO BE A STAR CONCERT QUEEN ISANG LINGGONG PAG LANG MAINE MENDOZA POPS FERNANDEZ SILA YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with