Heart may exhibit na naman, mga magulang ‘di pa sure kung sisipot?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

Ocean’s Apart ang title ng coming soon exhibit ni Heart Evangelista sa Ayala Museum. Blessing in disguise na walang teleserye si Heart dahil may panahon siya sa pagpipinta ng mga koleksyon niya para sa art exhibit na idaraos sa January 30 hanggang February 9.

Sold out ang unang art exhibit noon ni Heart sa Ayala Museum kaya may part 2 ito ngayong 2016.

No-show ang mga magulang ni Heart sa kanyang first art exhibit pero sure ako na dadalo sila sa opening sa January 30 dahil magandang-maganda na ang relasyon nila kay Senator Chiz Escudero, ang pinakamamahal ng kanilang anak.

Naniniwala ako na by choice ang desisyon ni Heart na huwag munang tumanggap ng bagong teleserye dahil magiging busy siya sa pangangampanya para sa kandidatura ni Papa Chiz na kakandidatong bise-presidente ng Pilipinas sa 2016.

Kahit hindi siya inoobliga ni Papa Chiz na mangampanya, siguradong tutulungan ni Heart ang better-half niya.

Sorry ng taxi driver na bastos supalpal

Nakakaloka ang viral video ng taxi driver na nagbanta na sasaktan ang female passenger niya dahil hindi sila nagkaintindihan sa pamasahe na ibabayad sa kanya.

Pinatulan ng mga television news program ang viral video ng taxi driver na kasumpa-sumpa at walang karapatan na pumasada dahil banta siya sa seguridad ng mga pasahero.

At dahil all over sa television news program ang video, napilitan na lumitaw at humingi ng paumanhin ang taxi driver na Roger Catibay ang pangalan.

Hindi sapat ang public apology ni Catibay dahil kung hindi naman nakunan ng video ang kanyang kalapastanganan, hindi niya aaminin ang kasalanan at hindi siya lilitaw. Dapat bawiin ang lisensya ni Catibay para hindi na siya makapagmaneho at hindi na makapamerwisyo ng ibang mga tao. Malay ba natin kung marami na siya na naging biktima at ngayon lamang siya natiyempuhan dahil may nakapag-video sa kasamaan ng ugali niya? Walang karapatan na magmaneho sa lansangan si Catibay at lalong walang karapatan na mamasada siya dahil baka marami pa ang maging biktima niya.

Agree ako sa pasya ng complainant na huwag tanggapin ang apology ni Catibay at ituloy niya ang pagsasampa ng kaso na naganap kahapon sa Camp Karingal.

Bunsong anak ni Ogie, born to be a star ang dating

Sa tatlong anak ni Ogie Alcasid, ang bunso na si Nate ang nakikita niya na susunod sa yapak nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

Minana ni Nate ang hilig sa pagkanta ng mga magulang niya at hindi siya mahiyain sa harap ng mga tao. Marunong din kumanta sina Leila at Sarah, ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeran pero mas type nila na makatapos ng pag-aaral.

Ang sey ni Ogie, pangarap ni Leila na maging abogado at gusto ni Sarah na maging doktor.

Sa tatlong anak ni Ogie, mukhang si Nate ang “born to be a star” na title ng bagong show niya sa TV5.

American fans ni Papa Manny, out-dated sa kanyang pagreretiro

Hindi pala alam ng American fans ni Congressman Manny Pacquiao na magreretiro na siya sa boxing ngayong 2016 at huling laban na niya ang sagupaan nila ni Timothy Bradley sa April.

Nagulat ang American fans ni Papa Manny sa news report ng Sky News na magba-babu na siya sa paglalaro ng boxing. Ikinalungkot nila ang balita na hindi na bago dahil sinabi na ni Papa Manny noong 2015 na magreretiro na siya sa boxing.

Well publicized ang nalalapit na retirement ni Papa Manny kaya nakapagtataka na huli sa balita ang kanyang American fans.

Kung talagang mga tagahanga sila ng Pambansang Kamao, alam nila dapat ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ni Papa Manny ‘di ba?

ANG AYALA MUSEUM CATIBAY DAHIL HINDI MGA NATE NIYA OGIE PAPA MANNY SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with