Kean Cipriano, Chynna Ortaleza, kasal na!

Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Instagram/Keanedward

MANILA, Philippines – Sinalubong nina singer-actor Kean Cipriano at GMA-7 actress Chynna Ortaleza ang pagpasok ng bagong taon ng paghahayag ng kanilang pag-iisang dibdib.

Sa kanilang post sa Instagram ay ipinakita nila ang kanilang mga kamay na nakasuot ang wedding rings.

Bible verse na 1 Corinthians 13:4-8 ang napili nilang gawing caption sa larawan tungkol sa kanilang pagmamahalan.

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails," nakasaad sa post.

"Our love and gratitude to our Cipriano and Ortaleza Families! Happy new year!! God bless you all!" dagdag nito.

Gamit na rin namna ni Chynna ang apelyidong Ortaleza-Cipriano sa kaniyang Instagram profile.

Nitong Oktubre lamang nang aminin ni Kean na sila na ni Chynna.

Show comments