‘Mabawasan sana ang kasumpa-sumpang traffic ngayong 2016!’

Happy New Year!

Maging masagana ang pamumuhay ng lahat ng mga Pilipino ang wish ko at maunlad na ekonomiya.

Mabawasan na sana ang mga problema ng ating bansa, ang ka­sumpa-sumpa na traffic situation sa Metro Manila, ang pagdurusa ng mga pasahero ng MRT at LRT.

Wish ko rin na umunlad ang local movie industry at isang deserving sa puwesto na pangulo ang mahalal sa May 2016.

Siyempre, more datung sa buong taon!

Direktor nina Kris at Cesar ipinangalandakan pa na flop ang mga pelikula nila

Iba na talaga ang panahon ngayon. Dati-rati, inililihim ng mga movie producer at directors kapag box office flop ang kanilang mga pelikula. Kung hindi nagde-deny, nagpa-padding o dinadagdagan nila ang box office gross o nananahimik na lamang. Ngayon, mismong ang mga direktor ang nagkakalat ng balita na na-pull out sa mga sinehan ang kanilang mga pelikula. Naka-broadcast sa social media ang mga emote ng mga direktor gaya nina Antoinette Jadaone at Pedring Lopez, ang mga direktor ng All You Need Is Pag-Ibig at Nilalang, respectively. Sad sina Jadaone at Lopez dahil natsugi nga sa mga sinehan ang mga pelikula nila. Nakakalimutan yata nila na gusto at kailangan din na kumita ng theater owners. Business is business! Ayaw ni Kris Aquino nang ganyan.

Si Kris ang lead actress at kung hindi ako nagkakamali, co-producer ng All You Need Is Pag-Ibig. Kung kilala natin si Kris, ayaw niya na natsutsugi sa mga sinehan ang kanyang mga pelikula. Ayaw ni Kris na nababalitaan na sumemplang sa takilya ang kanyang mga project pero mahirap kontrahin ang pralala ng direktor ng pelikula niya.

Kunsabagay, nagbabakasyon si Kris sa Hawaii. Puwedeng sabihin na wala siyang nalalaman sa mga kaganapan sa Metro Manila Film Festival dahil nagbabakasyon sila ng kanyang mga anak sa Amerika, kahit alam natin na isang click lang sa Internet, knows na niya ang resulta sa box office ng walong pelikula na kasali sa MMFF.

Masakit para sa mga movie producer at direktor na ma-pull out sa mga sinehan ang mga pelikula nila pero mas masakit ito sa dibdib ng mga artista, lalo na ‘yung mga over-protective sa kanilang mga image at hate na hate na magkaroon ng flop movie sa kanilang record. May negative effect ang mga pralala ng mga direktor na na-pull out sa mga sinehan ang kanilang mga pelikula. Puwedeng isipin ng madlang-bayan na natsugi sa mga sinehan ang pelikula dahil pangit ito kaya walang nanonood. Therefore, ang mga pelikula na pinipilahan ang kanilang panonoorin.

Paputok ng INC pinakapatok

Congrats sa mga kapatid natin sa Iglesia Ni Cristo at sa mga organizer ng New Year Countdown sa Philippine Arena dahil sa pinakabonggang fireworks display na nasaksihan kagabi at live na napanood sa mga television station ng INC. May dahilan para masungkit ng Philippine Arena ang tatlong Guinness World records dahil talagang ginastusan ang New Year Countdown at ang fireworks display na sure ako na milyun-milyong piso ang halaga.

Hindi pa kasama sa fireworks display budget ang mga talent fee ng mga celebrity na nag-perform sa New Year Countdown concert. Para pumayag na magtrabaho sa Bagong Taon sina Pops Fernandez, Apl.de.ap, Arnel Pineda, Erik Santos, Angeline Quinto, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo, tiyak na bongga ang talent fees na natanggap nila. Natatandaan ko na kalahating milyong piso ang diumano’y siningil ni Angeline nang mag-perform ito sa coronation night ng Miss Beauche International 2015 noong November 2015. Kung kasinglaki ng talent fee ni Angeline sa Miss Beauche International ang bayad na natanggap niya sa New Year Countdown sa Philippine Arena, literal na masagana ang unang araw ng 2016 para sa kanya.

Show comments