Matapos maging ‘ampalaya’ kay Pia Miss Germany certified na sinungaling daw

Hindi na dapat pinag-aaksayahan ng panahon si Miss Germany Sarah Lorraine Riek, ang Miss Universe 2015 candidate na nanira kay Pia Wurtzbach pero kumambyo nang makatikim ng bashing mula sa mga Pilipino at nag-deny na nagsalita siya laban sa current Miss Universe.

Hindi ko babanggitin ang full name ng sinungaling, bitter, maldita, at talunan na kandidata ng Germany sa Miss Universe.

Enough nang natikman niya ang bagsik ng mga Pinoy dahil sa kanyang mga pang-aalipusta kay Pia.

Mismong ang mentor/manager ni Pia na si Jonas Gaffud ang nagpatunay sa kamalditahan ng loser na kandidata.

Inokray ni Miss Germany si Jonas at ang mga kasama nito nang magkita sila sa hotel na tinutuluyan ng mga kandidata ng Miss Universe. Pupuntahan nina Jonas si Pia sa hotel room nito sa Las Vegas pero nagmahadera si Miss Germany na nagsabi na wala na si Pia dahil lumipad na ito sa New York.

Super-deny si Miss Germany sa kuwento ni Jonas dahil ito raw ang kanyang dialogue: “There was a crowd of people in front of my room and as we had a lot of security issues during the weeks, I just told them she is not here and that the new Miss universe probably has a lot of press appointment before she’s heading to NY.”

Nabasa ni Jonas ang pralala ni Miss Germany kaya kinontra niya ang kasinungalingan ng hitad.

“Sorry, I want everything to be positive from now on. But you are lying Sarah. We were only 6 and not crowding in front of your room. We were talking to someone from security until you just stepped in.

“I was not even aware you were Miss Germany until they told me. I did not even know what you said in an interview that made Filipino fans angry. Just apologize and don’t make excuses. That’s what’s wrong with a lot of people. If you know you did something bad, just apologize and stop defending your actions. Love and peace,” ang reaksyon ni Jonas nang mabasa nito ang explanation at paghuhugas-kamay ni Miss Germany.

Pia umatras na sa pag-aabay, ayaw sapawan si Pauleen

May nagbulong sa akin na sure na ang pagdalo ni Pia Wurtzbach sa church wedding ng kanyang best friend na si Pauleen Luna kay Vic Sotto.

Bago pa siya nanalo sa Miss Universe, nag-commit na si Pia na maging isa sa mga abay sa kasal nina Bossing at Pauleen.

Pero nagbago ang kanyang kapalaran nang manalo siya na Miss Universe. Dadalo pa rin daw si Pia sa kasal nina Bossing at Pauleen sa January 2015. ‘Yun nga lang, bilang isa sa mga bisita at baka hindi na abay.

Agree ako sa desisyon ni Pia na maging guest na lamang dahil kung rarampa pa siya sa altar, tiyak na makukuha pa rin niya ang atensyon ng mga tao at hindi sinasadya na masapawan ang bride.

Mortal sin na matalbugan ang bride sa special day niya ‘no!  Marapat lang na ibigay kay Pauleen ang kanyang moment.

Cough syrup na iniendorso ng popular celeb manlilinlang!

Parang hindi naman effective ang cough syrup na iniendorso ng isang popular celebrity.

Ang cough syrup ang sinubukan ko na inumin para mawala ang ubo ko pero hanggang ngayon, may pesteng ehem pa rin ako. At talagang ang popular celebrity ang sinisi ko ‘ha? Malay ba niya na hindi effective ang cough syrup na kanyang ini-endorso pero dahil sa kanyang appeal sa masa, napilitan ako na i-try ang product endorsement niya.

Show comments