Playboy na ex-husband ng isang congressional candidate, komedyana naman ang kinakalantari

Iba na pala ang girlfriend ng playboy na ex-husband ng isang congressional candidate.

Ang akala natin, ang female TV host ang girlfriend ng former dyowa ng congressional candidate, hindi pala dahil sa picture na nakita ko, TV host na comedienne ang bagong karelasyon ng mhin na palikero.

Hindi naman magsisinungaling ang mga litrato na nagpapakita sa mhin at sa TV host/comedienne na naghahalikan.

Kuha ang litrato sa bakasyon nila sa US at halata sa mukha ng dalawa ang sobrang happiness.

Wala akong balita tungkol sa personal life ng TV host/comedienne. Basta ang alam ko, wala nang sabit ang kanyang boyfriend dahil annulled na ang kasal nito.

Matagal nang naka-move on ang ex-wife ng mhin at mas maligaya siya na tumulong sa kapwa, kahit ang mga anak niya ang nagsasabi na maghanap na siya ng boyfriend.

New year countdown ng INC, mahirap nang pantayan

Ang Platinum Fireworks pala ang fireworks provider sa much anticipated New York Countdown na magaganap bukas sa Philippine Arena.

Ang tsismis na nakarating sa akin, gagastusan nang todo ang New Year Countdown dahil bonggang-bongga ang fireworks display na mapapanood ng mga darayo sa Philippine Arena.

Bukod sa hour-long fireworks display, may free concert sa Philippine Arena ang mga world class talent na sina Arnel Pineda, Apl.de.ap, Pops Fernandez, Erik Santos, Angeline Quinto at ang tatlong lola ng kal­yeserye ng Eat Bulaga, sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Project ng Iglesia Ni Cristo ang mahirap nang mapantayan na New Year Countdown na siguradong darayuhin sa Philippine Arena ng mga miyembro at non-members ng INC.

Plakado ang make up Nora pinaghandaan si Boyet!

Reunited sa Little Nanay ng GMA 7 sina Christopher de Leon at Nora Aunor.

Panoorin n’yo na lang sa susunod na taon ang primetime teleserye ng GMA 7 para malaman ninyo ang magiging participation ni Christopher sa Little Nanay na show ng kanyang ex-wife na si Nora.

Parang pinaghandaan ni Nora ang mga eksena nila ni Boyet dahil sosyalera ang kanyang look.

Kuntodo make up siya at ayos na ayos ang buhok. Ibang-iba sa karakter niya sa Little Nanay na nakasanayan na ng televiewers.

Cast member ng Little Nanay si Gladys Reyes na umiral ang pagiging fan nang makasama niya sina Boyet at Nora sa set.

Hindi pinalampas ni Gladys ang pagkakataon dahil nagpakuha siya ng litrato na kasama ang kanyang mga hinahangaan na artista.

Yassi at Andre, mukhang hahataw sa 2016!

Sina Yassi Pressman at Andre Paras ang youngstars na bet ko na hahataw nang husto sa 2016.

Hinihintay na lang nina Yassi at Andre ang showing ng kanilang pelikula, ang Girlfriend for Hire ng Viva Films.

Inip na inip na ang YaNdre fans dahil gusto na nila na mapanood ang laun­ching movie ng kanilang favorite loveteam.

Konting panahon na lang ang ipaghihintay ng loyal fans nina Andre at Yassi dahil malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang pinagaganda na pelikula ng kanilang mga iniidolo na artista.

Todo ang suporta ng Viva Films kina Andre at Yassi na inaasahan na susundan ang yapak nina Nadine Lustre at James Reid.

Lumayo Ka Nga Sa Akin, positive ang mga feedback

Ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ang unang Tagalog movie na mapapanood sa 2016, pagkatapos ng Metro Manila Film Festival 2015.

Starring sa trilogy movie ng Viva Films sina Maricel Soriano, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Cristine Reyes, Candy Pangilinan at Benjie Paras.

Ipinapakita na ang trailer ng Lumayo Ka Nga Sa Akin sa mga sinehan at positive ang feedback mula sa moviegoers.

Show comments