Carmina mas titindi ang galit kay Julia

MANILA, Philippines – Matinding pagluluksa ang dinanas nina Kara at Sara (Julia Montes) sa araw ng Pasko sa pagkamatay ng kanilang amang si Antonio (Allen Dizon) sa haponserye na Doble Kara. Sa pagbaba ng vital signs nito, agad humingi ng saklolo si Sara mula sa mga doktor ngunit sa kasamaang palad, hindi pa rin nila naisalba ang buhay nito. Dahil din sa pagkamatay ng kanyang asawa, mas lalong titindi ang galit ni Lucille (Carmina Villaroel) sa kambal at hindi hahayaang masilayan ang kanilang ama sa huli nitong hantungan sa kabila ng kanilang pakiusap. Hindi na nga ba magkakaroon ng pagkakataon sina Kara at Sara na makita ang kanilang ama kahit sa huling sandali? Paano kaya nila malalagpasan ang sakit na kanilang nararamdaman? Huwag palampasin ang teleseryeng doble sa ganda,  Doble Kara, tuwing hapon sa ABS-CBN.

Show comments