Mayor Herbert na-touch sa ginawa ni Marya
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2015 - 9:00am

Sa January 13, 2016 ang playdate ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, pero matagal nang naglabas sa social media ang Viva Films ng publicity photos ng movie. Walang exaggeration, pero sa picture pa lang ay natawa na kami.

Trilogy ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na mula sa libro ni Bob Ong at satire sa horror, comedy at rom-com genre ng mga pelikula.

Sa horror episode na Shake, Shaker, Shakest, bida sina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista. Kabilang sa cast sina Andrew Muhlach, JM Ibañez at Shy Carlos, sa direction ni Andoy Ranay.

Sa rom-com episode na Asawa Ni Marie, bida sina Paolo Ballesteros at Cristine Reyes at kasama sa cast si Antoinette Taus. Si Chris Martinez ang director nito at ang alam namin, nag-shoo­ting sa Cebu si Paolo para rito.

Ang comedy episode na Bala sa Bala Kamao sa Ka­mao, bida naman sina Benjie Paras at Candy Pangi­linan sa direction ni Mark Meily.

Aliw ang episode nina Maricel at Ma­yor Herbert dahil mag-asawa ang ka­­nilang role at may mga anak sila. Sobrang na-touch si Herbert dahil personal choice siya ni Maricel na makapareha sa pambuwena manong pelikula ng Viva Films.

Regine kasamang nag-pasko ang dating pamilya ni Ogie

May dapat ipagpasalamat ang mga producer at cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entries kay Regine Velasquez dahil ipinu-promote ng Songbird sa followers niya sa Instagram (IG) ang walong pelikula by posting the poster of the eight mo­vies. Malaking bagay ang ginagawa ni Regine for free dahil nare-remind ang followers niya na may MMFF.

Anyway, isa sa pictures na pinost ni Regine sa IG na nakakuha ng maraming likes ay ang picture nila ni Nate at ni Ogie Alcasid kasama sina Michelle van Eimeren, husband nitong si Mark Burrow at mga anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah. Mas lalo pang maganda ang picture dahil nakakandong si Nate kay Mark na ang alam namin, ninong ni Nate.

Marami ang humanga kina Ogie at Regine at Mark at Michelle dahil nagkakasundo sila at maa­yos ang kani-kanilang pamilya.

Of course, matagal na ring pinu-promote ni Regine ang Ro­yals, ang Valentine’s Day concert nila nina Martin Nievera, Angeline Quinto, at Erik Santos. Gagawin ang concert sa SM MOA Arena sa February 13, hindi ito sabay sa two-night concert ni Madonna, kaya mapapanood pareho ng fans ng Songbird at ni Madonna.

Pagkatapos ng MMFF, Sinag Maynila aarangkada

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival, ang Sinag Maynila 2016 naman ang aabangan ng moviegoers. Nasa likod nito sina Solar Entertainment Corporation head Wilson Tieng at festival director Brillante Mendoza.

More than a hundred entries ang nag-submit, pero lima lang ang pinalad na mapili. Ang bawat entry ay tatanggap ng P2-M grant.

Ang 2nd Sinag Maynila Film Festival ay tatakbo mula April 2016 sa ilang select SM cinemas. Noong December 24, inilabas na sa YouTube ang teaser ng SMFF.

Nagkabalikan na talaga? Lovi join sa Christmas party/ reunion ng pamilya ni Rocco

Imbitado at pumunta si Lovi Poe sa Christmas Party at reunion ng Quioge family, sa mother side ni Rocco Nacino, pero iniwasan muna nilang mag-post ng picture na magkasama. Iniiwasan na lang siguro ng dalawa na may mam-bash na naman sa kanilang dalawa.

Pero kung tama ang aming basa na nagkabalikan na sina Lovi at Rocco, mas marami ang matutuwa. Matagal nang hinihintay ng kanilang fans ang balitang nagkaayos na sina Lovi at Rocco. Nag-dinner na nga sila sa Salon de Ning ng Manila Peninsula bago ang Christmas Party/reunion ng family ng mom ni Rocco.

Ang mom ni Rocco ang nag-post ng picture sa FB nito na kasama nila si Lovi na obviously, hindi pa nadidiskubre ng fans ng love team ng dalawa dahil wala pa silang reaction.

Anyway, marami na ang excited na ma­panood sina Lovi at Solenn Heussaff sa pre-Valentine concert na Fantaisie na ga­gawin sa Music Museum sa February 6, 2016. Bukod sa performance, aaba­ngan ng audience ang paseksihan ng dala­wa.

ACIRC ANG CHRISTMAS PARTY LOVI LUMAYO KA NGA SA AKIN METRO MANILA FILM FESTIVAL MICHELLE NATE ROCCO SHY SINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with