Kris gustong pag-ilusyunan si Derek, nanghingi ng hubad na painting na ilalagay sa banyo
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2015 - 9:00am

Tuloy na ang pagsama ni Kris Aquino sa Parade of Stars nga­yong araw dahil requirement ‘yun ng MMFF.

Ang problema lang, ang oras dahil bawal sa kagaya ni Kris na may maintenance sa high blood ang ma-expose sa araw between 1pm to 3 pm na siyang oras ng parade.

May kuwento pala si Kris sa painting na Christmas gift sa kanya ni Derek Ramsay na kapareha niya sa All You Need Is Pag-ibig.

Malungkot daw ang babae na nasa painting, kaya humi­ngi siya ng bagong gift sa aktor, sketch painting nito na hubad si Derek. May eksena sa movie ang aktor na hubad na kinunan sa Coron, Palawan at marami ang nag-likes nang i-post ‘yun ni Derek sa Instagram (IG).

“Sabi ko okay Derek, ilalagay ko sa bathroom sa new house ko. He asked me if I’m serious at sabi ko serious ako. Hahaha!”

Nahingan din ng comment si Kris kay Miss Universe Pia Wurtzbach at kahit noong hindi pa ito nananalong Miss Universe, bilib na siya rito .

“Gusto ko siya. All of us, kaming mga sisters from before pa, we liked her noong naru-rumor that they were dating. Because one, she could’ve easily denied  because that was the time na yung SAF, big deal and Noy was being hit left and right but she spoke up for him. Kaya good for her, bongga.”

Nag-react ang press sa dagdag na pahayag ni Kris na, “I don’t  think she liked Noy,” kaya nagpaliwanag. “ No, you know why, hindi naman sa...I think she entertained him. But the thing is, you can tell from her character e. Single-minded. So, kinailangan ito ang focus ko muna.”

Pero binuking ni Kris na pinadalhan ni PNoy ng bulaklak si Pia bago ito umalis to compete sa Miss Universe. Ang gusto niyang alamin ay kung nag-text si PNoy kay Pia nang manalo ito.

Magkakaharap sina PNoy at Pia ‘pag nag-courtesy call si Pia kay PNoy sa pagbabalik nito ng bansa dahil pinayagan ng Miss Universe na maagang makabalik dahil Pasko.

Dennis tuloy ang pagkukulong sa bagong bahay

Hindi mahagilap ng press si Dennis Trillo mula nang bumalik sila ni Jennylyn Mercado sa bakasyon nila sa Amsterdam. Hindi raw naglalabas ng bahay ang aktor hangga’t hindi importanteng lakad at mas gustong mag-stay sa bagong bahay nila sa may Antipolo.

“Ninanamnam ang bahay” ang ginamit na word ng manager nitong si Popoy Caritativo sa status ni Dennis ngayon. Habang wala pang trabaho, sa bahay muna siya  at excited dahil first Christmas nila ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay. Nasa tuktok ang bahay at may swimming pool at regalo ito ni Dennis sa kanyang pamilya.

Hindi tuloy matanong si Dennis doon sa isyung nag-unfollowhan sila ni Jennylyn Mercado sa Instagram (IG) at bakit? Pero pinasalubungan naman niya ang aktres ng vinyl ng 25 album ni Adele.

Samantala, may pelikula na naman si Dennis next year, ang Lakbay to Love  movie nila ni Solenn Heussaff na February 3 ang playdate.

Carla hindi ama ang turing kay PJ Abellana ‘pag nasa taping

Nag-taping na sina Carla Abellana at amang si Rey Abellana sa Because Of You at mag-ama rin ang kanilang role.

Pinost ng aktres ang vi­deo ng taping nilang mag-ama, pero iniwasang makita ang mukha nila ni Rey.

First time makatraba­ho ni Carla ang ama at na­bang­git na nito na ‘pag nasa harap sila ng camera, co-actors ang turing nila sa isa’t isa, kailangan nilang magpaka-propesyonal. ‘Pag off-cam, magkukuwentuhan daw silang mag-ama ng bonggang-bongga.

Alonzo magtuturong mag-espada

Dumating ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach sa Christmas Party ng Entertainment Press Society o ENPRESS at nalaman naming bago mag-New Year, sisimulan ni Direk Carlo Caparas ang taping ng Panday ni Richard Gutierrez na sa February 2016 na ang airing sa TV5.

Kasama si Alonzo sa cast at sa role na si Alfonso, ang child actor daw ang third Panday.

Siya ang magtuturo kay Richard na gumamit ng espada, kaya mag-aaral din si Alonzo na humawak at gumamit ng espada.

Kasado na rin ang gagawing movie ni Alonzo na remake ng isa sa mga pelikulang ginawa ni Niño noong bata pa ito. Produced ng Viva Films, si Wenn Deramas ang director ng magsisilbing launching movie ni Alonzo.

Anyway, pinasasalamatan ng ENPRESS ang Baliwag Grill at lahat ng sponsor para maging successful at masaya ang Christmas Party ng grupo.

ACIRC ALL YOU NEED IS PAG ALONZO ALONZO MUHLACH ANG CHRISTMAS PARTY DEREK JENNYLYN MERCADO MAG MISS UNIVERSE NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with