Luis nagsalita sa pagpapakasal nila ni Angel sa Vegas!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2015 - 9:00am

May bulung-bulungan na lihim na diumanong magpapakasal na sa Las Vegas ang magkasinta­hang sina Angel Locsin at Luis Manzano. Magkasama kasing pupunta ang dalawa roon upang makapagbakasyon. “Hin­di pa magpapakasal okay. I’m sure uunahan na ‘yan may kasalan na ‘yan. Hindi, we’re going to Vegas tapos we’re going to Cuba para maiba rin,” paglilinaw ni Luis.

Samantala, ayon sa aktor ay nagpaplano na raw si Angel na magpaopera para sa disc bulge sa spine at kapag naayos na ang kondisyon ng aktres ay posible at may pag-asa na itong magampanan si Darna. “She’s studied a lot of options and she has one or two in mind. I think we just have to wait and see kung ano’ng mangyari sa operation. Hopefully, if the management hasn’t started then maybe there’s a good chance,” pagbabahagi ni Luis.

Nagpapasalamat ang aktor sa mga tagahangang umaasang si Angel pa rin ang makagagawa ng pelikulang Darna. “I would see a hashtag saying na we would wait for Angel as Darna. That’s not to downplay any of the artists that we have today. Pero it goes to show that she did a great job bilang Darna. So thank you on behalf kay Angel,” pagtatapos ng aktor.

Jessa balik na sa pagkanta, magpapaka-dancer din

Mahigit isang dekada na mula nang iwan ni Jessa Zaragoza ang pagkanta o ang pagkakaroon ng concert. Sa January 5 ay muling magkakaroon ng solo concert ang singer-actress na may titulong I Am Me sa Music Museum.

Excited na raw si Jessa na muling makapagtatanghal sa isang concert. “Sobrang excited ako sa project na ito. Sabi ko kay Dingdong (Avanzado, asawa ni Jessa), tuloy na natin itong concert. Noon pa niya ako sinasabihan to do a concert. Tapos sabi ko na lang sa kanya, ‘One day I want to do the concert. I want to perform again, ng solo.’ Sabi ko, ‘I want to be ready.’ ‘Yung mind ko nandoon wholeheartedly. Hindi lang ‘yung kasi kailangan,” kwento ni Jessa.

“Dito sa repertoire ko sa concert, sabi ko I am being true with my music. Lahat talaga ng songs ko rito sa concert na ito ay kanta ko, hit songs ko. Pati ‘yung mga songs na gusto ko from my albums na hindi naging single, kakantahin ko,” pagdedetalye ni Jessa.

Bilang paghahanda sa concert ay muli raw magvo-voice lessons ang singer-actress. Bukod sa pagkanta ay masasaksihan din ng mga manonood ang pagsasayaw ni Jessa. “My fantasy as a dancer will be showcased in this show. I will be sharing different parts of my journey as a singer in this show. That’s why it’s entitled I Am Me,” giit pa niya.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN CONCERT DARNA I AM ME JESSA JESSA ZARAGOZA LAS VEGAS QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with