Jaclyn ayaw nang pakialaman ang lovelife ni Andi napabilib naman sa pagiging single mom ng anak

Kamakailan ay inamin ni Andi Eigenmann sa isang pahayag na non-showbiz guy ang nakikipag-date sa kanya ngayon. Masaya naman daw ang ina ng aktres na si Jaclyn Jose para sa bagong inspirasyon ng anak. “Ewan ko sa kanya. Kami kasi we love to fall in love. Palagi kong sinasabi sa kanya ‘yun na love is the most wonderful feeling that you can have. Ayan, hayaan n’yo na. Nagtatrabaho naman siya nang mahusay at magaling na nanay naman siya ni Ellie. Eh ang passion niya is work to fall in love. Let her fall in love. Mamaya masaktan na naman ano?” natatawang pahayag ni Jaclyn.

Hinahangaan na raw niya ngayon si Andi bilang isang single mom sa anak na si Ellie. “She’s okay. She’s raising her child well. Hindi naman sa wala kaming pakialam pero iniiwasan naming i-entertain ‘yung negative thoughts. Si Andi is a very positive person eh. Pati ‘yung anak niya, si Ellie,” pagbabahagi ni Jaclyn.

Janella hindi kayang pahalik kay Elmo

Nagkasama kamakailan sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya sina Janella Salvador at Julia Barretto. Dahil dito ay hindi naiwasan ng mga manonood na pagkumparahin ang acting skills ng dalawa. May mga nagsabing sinapawan daw ni Janella si Julia sa ilang eksenang ginawa nila. “Hindi ko naman itinataas ‘yung sarili ko pero I just gave my best in that episode. And siya rin naman, nakitaan ko, she really gave her best,” paglilinaw ni Janella.

Nagpapasalamat naman ang aktres sa mga nakapansin ng kanyang magandang ginawa sa nasabing drama series. “Siyempre thankful naman ako sa mga naka-appreciate sa akin. Salamat po,” dag­dag ni Janella.

Samantala, wala pang kasintahan ngayon ang aktres pero nauugnay kina Marlo Mortel at Jerome Ponce. “Naku! Bawal pa po. Let’s ask my mom,” natatawang pahayag ng dalaga.

“Comfortable ako na kasama ko sila and we’re friends. Same time kami nag-start ni Jerome, very same ‘yung background namin sa pag-start sa showbiz. So we can relate to each other. Kami naman ni Marlo, together kami sa Oh My G! Ang dami-dami na naming pinagsamahan nito. Si Marlo parang comfort zone ko rin. Very close kaming da­lawa,” paliwanag ng dalaga.

Sa susunod na taon ay maglalabing-walong taong gulang si Janella kaya marami ang nagtatanong sa dalaga kung gagawa na ba sila ng kissing scenes ni Elmo Magalona para sa teleseryeng Born For You. “Holding hands lang po ang pwede. ‘Yung holding hands okay naman po. Pero ‘yung kissing, hindi pa,” giit pa niya.

Show comments