Davao City Mayor Duterte nagamit si Pope Francis para pag-usapan!

SEEN: Magkapantay ang billing ng mga pangalan nina Vice Ganda at Coco Martin sa poster at promo materials ng Beauty And The Bestie, ang official entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SCENE: Ang participation ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre sa Beauty And The Bestie para tangkilikin ito ng young crowd at fans ng JaDine.

SEEN: Maganda at malinis ang ci­nematography ng Haunted Mansion, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa 2015 MMFF at launching movie ni Janella Salvador.

SCENE: Ang anggulo na posibleng may kinalaman ang mga da­ting karelasyon sa pagpatay kay Maria Theresa Hernandez, ang ina ni Angelica Yap aka Pastillas Girl na binaril sa Caloocan City noong Linggo nang gabi.

SEEN: Sinadya man o hindi, effective ang televised na pagmumura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Pope Francis dahil siya ang number one topic kahapon sa buong Pilipinas.

SCENE: Ang reaksyon ni Jim Paredes nang mapanood nito ang video ng  pagmumura ni Duterte sa Santo Papa, “P….i..a, totoo pala! I pity those defending him on Twitter. Lame excuses. Nagpa-cute daw. Kinabahan daw. He is funny daw. There is a serious flaw in this man.”

SEEN: Si Lorna Tolentino at ang kanyang mga kaibigan sa concert ni Ricky Astley sa The Theater ng Solaire Resort & Casino noong Lunes.

SCENE: Wala na ang pinasikat na dance moves noon ni Ricky Astley pero napasayaw nito ang audience nang awitin niya ang kanyang old hit songs na paboritong kantahin ni Roderick Paulate.

Show comments