Enchong may malisya ang titig kay Piolo!

Piolo at Enchong

SEEN: Ang payo ni Joey de Leon kay Paolo Ballesteros na magtino na dahil malaki na ang anak ng co-host niya sa Eat Bulaga. Babae ang lovechild ni Paolo at  parehong November 29 ang kaarawan nila. 

SCENE: “Tanggap na niya” ang sagot ni Paolo Ballesteros sa payo sa kanya ni Joey de Leon.

SEEN: Ni-repost sa social media at hindi nagpaapekto si Enchong Dee sa litrato nila ni Piolo Pascual na nilagyan ng malisya ng netizens na hobby na ang kuwestyunin ang kanilang sexual preference.

SCENE: May English subtitle for international screening purposes ang Nilalang, ang pelikula nina Cesar Montano at Maria Ozawa na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SEEN: Ang pamilya at hindi ang “boyfriend” na si Rocco Nacino ang kasama ni Lovi Poe sa bakasyon nito sa Italy.

SCENE: May shooting ng music video sa Bulacan si Angelica Yap nang malaman nito na pinatay ang kanyang ina noong Linggo. Matagal nang nakakatanggap ng death threats ang nanay ni Pastillas Girl ngunit ipinagwalang-bahala niya ang mga pananakot.

SEEN: Ikinatuwa ni Robin Padilla ang pagkandidato ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Si Duterte ang presidentiable na susuportahan ni Robin.

SCENE: Si Duterte rin ang presidential candidate ni Angelica Panganiban na nadismaya nang tumanggi noon si Duterte na tumakbong pangulo ng bansa sa 2016.

 

Show comments