Julia lalo lang lulubog sa pakikipag-triangle sa JaDine?!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2015 - 9:00am

Kung totoo man o hindi ang mga lumalabas na balita na may kinalaman kina James Reid at Julia Barretto, hindi ito parehong nakatutulong sa kanilang dalawa.

For one, tiyak na aalma ang mga fans nina James at ka-loveteam niyang si Nadine Lustre at magmumukhang kontrabida naman ang da­ting ni Julia sa mata ng publiko lalo na sa JaDine fans.

Speaking of Julia, nawala na naman sa kanya ang simpatya ng publiko dahil sa kawalan nito ng komunikasyon sa kanyang estranged dad na si Dennis Padilla na umatras na rin sa kanyang pagharang na i-drop sa korte ang kanyang tunay na apelyido, ang Baldivia.

Sadly, wala ring kumunikasyon si Dennis sa kanyang tatlong anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon at umaasa na lamang siya na balang araw ay magkaroon pa rin sila ng panahon sa kanya.

Feeling tuloy ni Dennis ay nagamit lamang siya ni Julia sa kanyang debut party.

Janine mukhang mai-insecure kay Janella

Malabo nang magkaparehang muli sa isang TV series ang real sweethearts na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez ngayong isa nang ganap na Kapamilya ang binata ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona habang si Janine naman ay nananati­ling Kapuso.

Hindi naman kaya ma-insecure si Janine ngayon ipapareha ang kanyang nobyong si Elmo kay Janella Salvador, ang ka-loveteam ni Marlo Mortel?

Sina Elmo at Janella ay parehong mga anak ng mga music icons na sina Francis Magalona at Juan Miguel Salvador.

Speaking of Janella, isa sa kanyang wish list ay makasama ang amang si Juan Miguel Salvador sa kanyang debut party next year.

Kahit walang bonding moments ang estranged father and daughter, umaasa pa rin ang Kapamilya teen star na magkakaroon pa rin sila ng panahon ng kanyang ama para makabawi sa isa’t isa.

Luis at Angel parehong magiging busy sa eleksiyon

Kung si Luis Manzano ay tutulong sa kampanya ng kanyang estranged parents na sina Batangas Gov. Vilma Santos na kandidato sa pagka-kongresista sa lone district ng Lipa at si Edu Manzano sa pagka-senador, tiyak na tutulong naman ang nobya ni Luis na si Angel Locsin sa kanyang tiyuhing si Rep. Neri Colmenares na kandidato naman sa pagka-senador.

Tiyak ding tutulong si Luis sa kandidatura ng kanyang stepdad na si Sen. Ralph Recto na tatakbong re-electionist sa pagka-senador.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN BATANGAS GOV DENNIS PADILLA FRANCIS MAGALONA JANINE JUAN MIGUEL SALVADOR JULIA KANYANG LUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with