Isko laging updated!

Tuloy ang suporta namin sa kandidatura ni Isko Moreno.

Kung meron man lingkod bayan na alam naming ginagampanan ang kanyang gawain, ito ang dati kong alaga sa That’s Entertainment na talagang pinangangatawanan ang pagiging pulitiko sa pamamagitan ng magandang serbisyo at pagpapaunlad sa kanyang sarili para maging karapat-dapat sa kanyang posisyon. Ask him any question about anything in government, hindi niya kayo bibiguin sa kaalaman niya.

Baby Z, bibigyan ng sariling moment

Hindi na isasabay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang binyag ng panganay nilang  si Baby Z sa  first anniversary ng marriage nila sa December 30.  

Buti naman dahil dapat magkaroon din ng sarili niyang moment at araw ang napaka-popular ng sanggol.

Roderick sa pulitika muna

Nakuha na rin pala ni Viva Boss Vic del Rosario ang serbisyo nina Maricel Soriano at Konsehal Roderick Paulate para gumawa ng isang sitcom sa TV5. Pero ‘di ba hindi raw puwede si Roderick dahil kakandidato ito sa 2015.

Show comments