Yaya masusubukan kung nakakaarte nga

Pasok na rin si Maine Mendoza sa teleserye ni Ryzza Mae Dizon. Malaking boost ito sa kanyang karera na nagsimula lamang sa pagda-dubsmash.

Bukod sa nagagamit na niya ngayon ang sarili niyang boses, masusubukan na rin niyang umarte at kung may talent siya rito, eh ‘di magtutuluy-tuloy na siya.

Good luck, Yaya.

Jose nagkaproblema sa ‘lovelife’?

Balik na si Jose Manalo sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Nawala ito pansamantala sa programa dahil pumunta pala ito ng U.S., pero ayaw sabihin kung bakit. Baka naman may inayos lang na offer na hindi naman pagtatakhan dahil magaling siyang artista. Hindi naman ako naniniwala sa narinig kong tsismis na umano’y meron itong kaugnayan sa kanyang ‘lovelife.’

Jimboy hindi pa rin kuntento sa bahay at trabaho

O, tingnan mo nga naman, kung ang batang winner ng The Voice Kids ay nagkaro’n ng sariling bahay at sasakyan, ang Teen winner din ng Pinoy Big Brother (PBB) 737 na si Jimboy Martin ay nangangarap magkaroon ng sarili niyang sasakyan kung saan madadala niya ang kanyang pamilya sa pamamasyal.

Meron na siyang bahay. Meron din siyang regular na trabaho courtesy of PBB, bukod sa pamamasyal, magagamit niya ang sasakyan sa pagpunta sa kanyang trabaho.

Oo nga naman.

Show comments