Coco mailigtas kaya si Onyok sa kapahamakan?

MANILA, Philippines – Hitik sa aksyon ang mga kapana-panabik na eksena ng FPJ’s Ang Probinsyano ngayong linggo dahil to the rescue si Cardo (Coco Martin) sa kanyang alagang si Onyok (Simon Pineda) na malalagay sa peligro.

Gagawing hostage nina Dencio (Tutti Caringal) at ng kaibigan nito ang paaralang pinapasukan ng anak ng gobernador upang makaganti sila sa pang-aagrabiyadong ginawa nito sa kanila. Sa kasamaang-palad, sa paaralang din iyon nag-aaral si Onyok. Agad din namang susugod ang kanyang Kuya Cardo upang tulungan silang makatakas at mahuli ang mga holdaper.

Makaligtas kaya ang mga bata mula sa kamay ng mga holdaper? Sino kaya ang tutulong kay Cardo upang mahuli ang mga ito?

Samantala, tuloy pa rin ang pagdududa ni Cardo sa kamatayan ni Diego (Ping Medina). Dahil dito, ia-assign siya ng kanyang Lolo Delfin (Jaime Fabregas) bilang parte ng Highway Patrol Group para malihis ang kanyang atensyon sa paghahanap sa katotohan tungkol sa pagkamatay ni Diego. Pero dahil matindi ang kanyang paniniwalang buhay si Diego, patuloy siyang maghahanap ng mga ebidensyang magpapatunay dito.

Show comments