‘Mga nilalagay ko sa Walk of Fame Philippines walang puwedeng maghabol!’

Nagalit ako sa kaibigan ko at kasamahan dito sa PSN dahil maski siya ay hindi naintindihan ang ginawa kong pagpili sa pagbibigay ng star sa Walk of Fame Philippines. Hindi kasi siya approved kina Maine Mendoza, Buboy Villar, at Jake Vargas.

Marami pa raw mas karapat-dapat na mabigyan ng star. Tama naman siya, pero sa standard niya  marahil at sa iba pang bashers ko.

Pero unang reaksyon lang ang pagkagalit ko, agad din itong nawala dahil  alam kong Vero means no harm. Kaibigan ko siya. So I took it as a constructive criticism.

Andi dapat gumamit na ng utak ‘pag na-in love uli

Uy, may bagong boyfriend daw si Andi Eigenmann. Sana naman maging lucky siya this time. Mukha kasing ‘di siya swerte sa mga naunang relationships niya.

Sana naman bukod sa puso, gumagamit na rin siya ng isip sa pamimili ng lalaking bibigyan niya ng pagmamahal.

Dingdong at Marian kakaiba ang meaning ng Pasko

Congrats kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, nakapagsilang ng normal at mapayapa ang aktres. Magiging mas masaya ang Pasko nila dahil kasama na nila ang kanilang panganay sa pagdiriwang ng birthday ni Jesus.

Show comments