Paulo pumiyok, hindi nawawala ang konek kay KC
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Papasok si Paulo Avelino sa On The Wings of Love. Kaya tiyak na ang pang-iinis niya sa Hubby ng Bayan na si James Reid at Pambansang Wifey na si Nadine Lustre.

Pero ayon naman kay Paulo, hindi siya manggugulo, magdadagdag lang siya ng excitement sa super hit teleserye ng JaDine na napapanood gabi-gabi sa Primetime Kapamilya.

“It’s an honor to be part of the cast lalo na nga’t alam naman natin na hit ang On the Wings of Love.

“I’m excited working with the loveteam. Pero hindi totally manggulo pero mayayanig at palakasin lalo ang kuwento,” pahayag ni Paulo kahapon nang pormal siyang i-welcome sa serye sa pamamagitan ng isang presscon.

Anyway, klinaro ni Paulo na ok pa rin naman sila ni KC Concepcion at may communication pa rin.

Maalalang biglang natigil ang isyu sa kanila nang magkabati sa London sina KC at Piolo Pascual though nakunan din naman sila ni KC na magkasama sa picture doon. “We are communicating as friends. We have this connection na parang nandoon lagi, hindi na siguro mawawala.”

Kasalukuyang nasa Amerika si KC kaya ayon sa actor wala silang chance na magkita lately.

So may chance pa ba na magkabalikan sila?

“We’ve always been friends. I will always be happy and proud of her,” paliwanag niya after the question and answer kahapon.

Happy naman si Paulo sa balitang may manliligaw na foreigner ang ex girlfriend. “We all just want happiness for everyone, not just me, not just KC but sa lahat ng tao sa mundo. Masaya lang,” sabi pa ng actor na hindi alam kung kailan ba siya uli mai-in love.

Angel kasama sa bakasyon ni Edu at tatlong anak

Magbabakasyon si Edu Manzano sa Amerika kasama ang tatlong anak na sina Luis, Enzo and Adi plus Angel Locsin.

Yup, bago lumarga sa puspusang kampanya, gusto munang ma-solo ni Edu ang mga anak kasama na si Angel. Yup, anak na ang turing niya kay Angel.

More than a week din sila doon at aalis sila second week of December.

Kumakandidatong senador si Edu sa partido nina Sen. Grace Poe and Sen. Chiz Escudero ng Partido Galing at Pilipino.

Anyway, pag may pagkakataon, nag-iikut-ikot na siya sa mga probinsiya. At nag-e-enjoy daw siya dahil sa kaka-selfie. “Iba na talaga ngayon dahil sa social media,” pahayag niya sa isang dinner tsikahan sa ilang kaibigang entertainment press.

Dahil single (dahil ayaw niyang sabihin kung may girlfriend ba siya o wala), asked namin kung may mga lumalandi-landi ba sa kanya na tipong dinidikit-dikit ang boobs habang nakikipag-selfie. “Siyempre meron pero gentleman naman ako. Alam ninyo ‘yan. Pero depende rin. Hahahaha,” pabirong sagot ng actor na huling napanood sa seryeng Bridges of Love.

Kasi naman itong si Edu hindi mukhang senior citizen, 60,  kaya I’m sure maraming nagpi-flirt flirt sa kanya na hoping… Hahaha.

Teka tutulong ba si Luis sa kampanya o pag-iikot sa mga probinsiya? “Ayokong mag-expect. Meron siyang sariling buhay at career. Saka alam mo marami siyang endorsements. Baka makaapekto pa,” sabi pa ni Papa Doods.

By the way, masaya si Edu dahil kahit wala pa siyang masyadong paramdam sa kanyang kandidatura, pataas ang pangalan niya sa survey.

Sa isang online survey, pang-apat ang pangalan niya.

 

ACIRC AMERIKA ANG ANGEL LOCSIN BRIDGES OF LOVE CHIZ ESCUDERO EDU EDU MANZANO ENZO AND ADI PAULO PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with