4th Impact diretso sa Top 5 ng ‘X Factor UK’

MANILA, Philippines – Isa na namang elimination weekend ang nalampasan ng all-Pinay group 4th Impact sa “X Factor UK."

Dahil dito ay kabilang ang magkakakapatid na sina Mylene, Celina, Irene at Almira Cercado sa Top 5 ng British reality television music competition.

Tanggal sa kompetisyon si Anton Stephan, habang pasok din sina Che Chesterman (Boys category), Louisa Johnson at Lauren Murray (Girls category ) at Reggie 'n Bollie (Groups category ).

Nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) sa kanilang performance night ay inawi ng all-Pinay group ang "Ain't No Other Man" ni Christina Aguilera.

Sa Disyembre 12 at 13 ang finals kung saan malaki ang tsansa ng 4th  Impact na makabilang.

\

Show comments