Habang maraming nagdurusa dahil sa APEC Kris todo display ng kanyang mga outfit sa social media

Pacman nag-guest sa pinakamalaking religious network sa buong mundo!

David Beckham, Sexiest Man Alive ng 2015

40th day ng pagkamatay ni Elizabeth Ramsey ginunita

Seen: Habang nagpepenitensya sa kalsada ang mga Pilipino na apektado ng APEC lanes, ipinangangalandakan ni Kris Aquino sa social media ang kanyang mga outfit sa APEC Summit. #Insensitive.

Scene: Humingi ng pang-unawa si Kris Aquino sa mga naperwisyo ng traffic dahil sa APEC Summit pero dedma ang mga tao na  dismayado na sa mga nangyayari sa bansa.

Seen: Hindi network talent ng GMA 7 ang trato ni Eugene Domingo sa sarili kaya wala siya sa Christmas Station ID ng Kapuso Network.

Scene: Ang live television guesting ni Manny Pacquiao sa Trinity Broadcasting Network sa Jerusalem, ang largest religious network sa buong mundo. Ibinahagi ni Pacquiao sa TBN viewers ang taimtim na pananalig niya sa Diyos.

Seen: Si David Beckham ang hinirang ng People Magazine na Sexiest Man Alive ng 2015. Tuwang-tuwa si Beck sa parangal sa kanya ng People magazine.

Scene: Ang grand entrance ni Diether Ocampo sa presscon ng Wattpad Presents. Maagang dumating si Diether sa presscon venue pero hindi muna nakihalubilo sa ibang mga artista ng TV5 ang 42-year-old actor.

Seen: Ang mahuhusay na magbuburda sa Lumban, Laguna ang nagburda sa mga Barong Tagalog na regalo ng Philippine government sa world leaders na dumalo sa APEC Summit. Matatagpuan sa Lumban ang mga magagaling na magbuburda ng Barong Tagalog.

Scene: Ginunita ng Filipino-American community sa San Francisco Bay Area ang 40th day ng pagpanaw ng veteran singer-comedienne na si Elizabeth Ramsey.

Show comments