Concert ni Maja nilangaw!
(Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2015 - 9:00am

SEEN: Ang clarification ng ABS-CBN management na si Charo Santos-Concio pa rin ang presidente at CEO ng Kapamil­ya Network.

SCENE: Ngayon ang biyahe ni Charo Santos-Concio sa New York dahil siya ang gala chair at magbibigay ng speech sa 43rd International Emmy Awards sa November 23.

SEEN: Ang nagkakaisang pagkondena at hiling na dasal para sa kapayapaan ng mga Filipino celebrity tungkol  sa terrorist attack sa Paris noong Friday, the 13th.

SCENE: Ang birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola) ang ipinagdiwang kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi ang kaarawan ni Wally Bayola dahil sa May 3 pa ang birthday ng comedian na nagbibigay-buhay sa karakter ni Lola Nidora.

SEEN: Too much too soon ang major concert ni Maja Salvador sa Mall of Arena noong Friday, the 13th. Bigay-todo ang performance ni Maja, kahit maraming silya ang bakante.

SCENE: Tama ang desisyon ni Jinkee Pacquiao na huwag nang kumandidato sa 2016 para hindi na masilip ng kanyang detractors ang madalas na pangingibang-bansa nila ni Congressman Manny Pacquiao. Si Jinkee ang incumbent Vice Governor ng Sarangani province.

SEEN: Ang 20th Anniversary Thanksgiving mall show ng Bubble Gang cast sa November 19, 5 p.m., sa Market! Market!, Taguig City.

SCENE: Pinigilan ni Richard Gomez na mai­rita kahapon nang ma-delay ang lipad ng eroplano na sinakyan niya dahil sa runway traffic, bumalik sa tarmac ang eroplano dahil may problema ito.

ACIRC ANG ANNIVERSARY THANKSGIVING BUBBLE GANG CHARO SANTOS-CONCIO CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO EAT BULAGA INTERNATIONAL EMMY AWARDS LOLA NIDORA STRONG WALLY BAYOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with