^

Ogie kasama sa Pasko ang dalawang pamilya

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

PIK: Excited si Ogie Alcasid sa darating na Pasko dahil kumpleto raw ang buong pamilya na magsasama-sama. Darating dito sina Michelle Van Eimeren kasama ang dalawang anak nilang sina Sarah at Leila at ang asawa nitong si Mark M­urrow.

Ikinuwento ito ni Ogie sa taping ng Christmas special ng Ryan Ryan Musikahan na mapapanood sa Jeepney TV.

Sabi ng singer/songwriter, weird man daw ang tingin nito sa iba, pamilya ang turingan nilang da­ting mag-asawa kasama ang kani-kanilang asawa sa ngayon.

Ganun daw sila kasaya lalo na’t dalaga na ang dalawang anak nila ni Michelle. Kakaiba raw ang selebrasyon nila ng Pasko ngayong taon dahil kumpleto silang lahat.

PAK: Bukas na ang Push Digital Awards at malakas ang bulung-bulungang  panalo raw ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza sa isang kategoryang nominado rin ang mga sikat na loveteams ng ABS-CBN 2. Hindi lang kami sure kung sa kategoryang PushTweet Favorite Group or Tandem sila panalo, kung saan matatalo nila ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), JaDine (James Reid at Nadine Lustre, LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at LoiShua (Loisa Andalio at Joshua Garcia) ng Kapamilya network.

Pinadalhan daw ng imbitasyon sina Alden at Maine, pero hindi lang tiyak kung dadaluhan nila ito.

Narinig din kasi naming ipagbabawal na raw ng ABS-CBN na iere ang mga commercial na ini-endorse ng AlDub. Kung totoo nga ito, bakit pa sila dadalo sa event ng ABS-CBN?

BOOM: May ilang nag-react na naman nung nakaraang Sabado na pagkatapos mapanood ang napaka-entertaining at wholesome na Eat Bulaga, kaagad itong sinundan ng isang mapangahas na drama anthology na Karelasyon.

May mga daring scenes sina Rodjun Cruz, Sebastian Castro, at Ken Anderson na kinunang half-naked habang nagsa-cyber sex.

Nag-post pa nga itong si Sebastian sa Instagram (IG) account niya ng kuha na tinatakpan ang mata ng lover niyang si Ryan Chua habang nanonood ng Karelasyon.

Marami ang nagsasabing hindi bagay ang naturang palabas sa ganung oras lalo na’t sinusundan nito ang Eat Bulaga na sinusubaybayan ng sambayanan.

Kahit mismo ang host nitong si Carla Abellana ay nahirapan ding ipagtanggol dahil nakakarating sa kanya ang ganung reklamo. Pero nagri-rate kasi ito kaya ibig sabihin, gustong panoorin ng mga tao.

 

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG CARLA ABELLANA DANIEL PADILLA EAT BULAGA ENRIQUE GIL FAVORITE GROUP JAMES REID JOSHUA GARCIA KARELASYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with