Angelica iniaasa na lang sa tadhana ang kasal nila ni John Lloyd
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2015 - 9:00am

Matagal-tagal na ring magkarelasyon sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz kaya naman marami ang nagtatanong sa dala­wa kung nagbabalak na ba silang magpakasal. “Well doon naman talaga pupunta ang lahat ‘di ba? Kung ‘yun ang nakatadhana sa akin. I think mangyayari na lang siya kung mangyayari. Kung sa tingin ko o ng tadhana na ready na ako eh siguro gano’n,” nakangiting pahayag ni Angelica.

Hindi pa raw napag-uusapan ng magkasintahan ang tungkol sa kasal hanggang ngayon ayon sa aktres. “Hindi, wala. Kasi alam mo ‘yung assurance naman na solid kami sa ngayon. Parang ang saya pa ng takbo ng career, ang dami ko pang akala ko hindi ko magagawa. Pwede pala akong maging nanay ng isang 19-year old (bilang Madam Claudia sa Pangako Sa ‘Yo). Parang nakakabigla ‘yung nangyayari nowadays so parang ang hirap ma-predict. So ngayon kung anong meron sa akin, ngayon talagang binibigay ko ‘yung hundred percent ko sa trabaho ko. Gano’n din naman siya. Sayang ‘yung opportunity kung palalampasin natin and I’m sure may mga bagay na makapaghihintay. Pero ‘yung chance na makakapag-portray ka ng role, siyempre hinihingi na single ka. So parang okay pa naman, wala namang pagmamadaling nangyayari,” paliwanag ni Angelica.

Samantala, hindi pa raw nakahanda ang dalaga na makasama si John Lloyd sa isang proyekto. “Siguro pag-uusapan namin, siguro kung comedy. Kasi ‘yung team ng Home Sweetie Home (sitcom ni John Lloyd), same ng Banana Split. So tinatanong nila kung gusto nilang mag-guest ako. Parang ‘di ko pa kaya pero nitong lately parang hindi ko alam pero parang kino-consider ko na siya. Pero parang sablay talaga, hindi ako makakagalaw,” natatawang pahayag ng aktres.

Kahit 11 years ang age gap

Sam, maraming gustong matutuhan kay Julia

Ngayong darating na linggo ay magiging bahagi na si Sam Milby sa teleseryeng Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Aminado ang aktor na noon pa raw niya hinahangaan si Julia bilang isang magaling na aktres. “Dati-rati pa sa Mara Clara days ‘yung sobrang ang galing-galing niya kahit bata pa siya. And she’s really grown as an actress. I think madami din akong matututunan,” bungad ni Sam.

Isang malaking karangalan daw para sa binata na makatrabaho si Julia. “She’s very young, maybe 11-year gap. But she’s someone that even though she’s young, she portrays very mature roles at a young age. That’s what makes her an amazing actress. She’s able to get those emotions out at the young age. It’s really nice that I get to work with her. Even though she’s young, she’s already established, very mature and I think she will be definitely one of the most important actresses of this time,” giit ni Sam.

ACIRC ANG ANGELICA PANGANIBAN BANANA SPLIT DOBLE KARA HOME SWEETIE HOME JOHN LLOYD JOHN LLOYD CRUZ JULIA KUNG PARANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with