PANOORIN: Trailer ng ‘A Second Chance’ nina John Lloyd, Bea

Screengrab mula sa teaser trailer ng pelikulang 'A Second Chance' nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Youtube/Star Cinema

MANILA, Philippines – Inilabas na ng Star Cinema ang teaser trailer ng pinakabagong pelikula ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na “A Second Chance.”

Sequel ang naturang pelikula ng hit movie noong 2007 na “One More Chance” kung saan tumatak sa bawat nanood nito ang mga malulupit na palitan ng linya nina Popoy at Basha.

Makalipas ang ilan taon ay pinakita sa trailer ang buhay ng dalawang bida bilang mag-asawang may kinakaharap na problema.

Ipapalabas sa sinehan ang A Second Chance sa Nobyembre 25, 2015 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

 

 

 

Show comments