Eveready nagbigay ng Emergency Preparedness Seminar sa mga taga-Laguna

MANILA, Philippines – Pinagunahan ni Louie Domingo, Emergency Re­search Center, Inc. for Region IV-A at at Claire Guevarra, Eveready Senior Brand Manager ang pagbibigay ng Emergency Preparedness Seminar sa mga residente ng Victoria, Laguna.

Bumisita rin si Laguna 3rd District Representative Sol Aragones, sa nasabing prog­rama.

Ang event na ito ay kabilang sa DZMM’S TLC Caravan na isinagawa sa Victoria Elementary School, na dinaluhan ng humigit kumulang na 500 re­sidente mula sa bayan ng Victoria at karatig bayan sa Laguna.

“Nais naming turuan ng mga tips ang ating mga kababayan dito sa Victoria, Laguna kung paano maging handa sa anumang oras ng emergency or sakuna. Laging umaagapay ang Eveready sa pa­mil­yang Pilipino dahil ang kanilang kaligtasan ang aming prayoridad.”

Kabahagi rin ng nasabing programa ng Eve­ready ang pamimigay ng libreng flashlights sa lahat ng mga lumahok sa caravan.

 

 

Show comments