Lovi at Heart nagkapatawaran na!

MANILA, Philippines – Sa pagpapatuloy ng Beautiful Strangers ma­mayang gabi, sisiksik si Joyce (Lovi Poe) sa upuan at pipigilin ang pag-iyak para hindi makita ni Ronal­do (Christopher de Leon). Babasagin naman ni Kristine (Heart Evangelista) ang paghihinala ni Ronaldo na may ibang taong nakakarinig sa kanilang pag-uusap. Hihingi ng tawad si Ronaldo kay Kristine at aakuin niya ang sisi sa lahat ng buhay na nasira niya. Masakit din para kay Kristine na marinig ang pag-amin ng ama pero hindi pa rin maibibigay ni Kristine ang kapatawaran dito

Samantala, hahanapin ni Alejandra (Dina Bonnevie) si Joyce kay Lawrence (Benjamin Alves). Magdududa si Alejandra sa hindi pagsama ni Joyce sa kampanya niya.

Ngayong malinaw na kina Joyce at Kristine ang lahat ay hihingi sila ng kapa­tawaran sa isa’t isa. Gusto na ni Kristine na mag-move on sa lahat ng nangyari pero hindi si Joyce. Yayayain ni Joyce si Kristine na tulungan siya at singilin si Alejandra sa lahat ng kasalanan nito.

Kristine doesn’t like the idea of revenge lalo na ngayon at lilipat na sila ng bahay para magsimula ng bagong buhay. Kukumbinsihin ni Joyce si Kristine na pigilan si Alejandra na makagawa pa ng kasamaan sa iba. Lalo na raw kung mananalo ito sa eleksyon at mas marami pang buhay ang masisira niya.

Show comments