Tito Sotto sa Halloween costume: Walang dapat ihingi ng sorry

Humingi si ARMM Gov. Mujib Hataman ng public apology kay Sen. Tito Sotto. Twitter/Eat Bulaga    

MANILA, Philippines – Matapos may umalma sa kaniyang Halloween costume, nanindigan si Senator Vicente "Tito" Sotto III na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin sa kaniyang naging kasuotan.

Sinabi ni Tito Sotto na wala namang mali sa kaniyang costume nitong Sabado para sa Halloween special ng “Eat Bulaga.”

"We have nothing to apologize for," pahayag ni Sotto sa ulat ni Jam Sisante ng GMA News na umere ngayong Lunes. "Many Arab friends are telling us that they liked it as in the past."

Hindi ikinatuwa ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujib Hataman ang costume ng senador dahil sa tingin niya ay pambabastos ito sa mga Muslim.

Humingi si Hataman ng public apology sa host ng noontime show.

Nilinaw naman ni Sotto na hindi Muslim outfit ang kaniyang suot bagkus ito ay Arab costume na niregalo sa kaniya ng kaibigang Arabo.

"Sheikh SHAWAF of Riyadh, Saudi Arabia gave me that costume. He likes it everytime I get a chance to wear it. I wear it to honor him. @aldbunation," paliwanag ni Sotto sa comment section ng kaniyang post sa Instagram.

"Others wear priests, nuns and even the Pope's outfit and as long as you are not disrespecting what you wear, there is nothing wrong," dagdag niya.

Show comments