_ngayon
^

PSN Showbiz

ASAP mahirap ilaglag!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mahirap talagang ilaglag ang ASAP sa kanilang pangunahing posisyon sa ratings dahil hindi ang movies ang pangunahing entertainment ng mga tao kundi ang musika, tulad ng sumulat nito. Mas madaling maging masaya sa musika dahil hindi ito namimili ng lugar o panahon, mas luma mas appreciated. At libre pa!

Sa panonood ng sine, kailangan ng screen, kai­langang madilim, at nasa isang lugar lamang. Sa musika, kahit nasaan ka at gumagawa ng ibang bagay o kahit walang kuryente, sa pamamagitan lamang ng isang transistor at ilang bater­ya ay okay ka na.

Sa ASAP, naro’n lahat ng pinakamalalaking Kapamil­ya artist at magagaling na musikero na hindi lamang kumakanta, nagsasayaw, nag­hu-host kundi nagpapagalingan pa sa isa’t isa. Tama na ang mga iyakan at pagpapatawa gabi-gabi, minsan man lamang sa isang linggo at kahit tuwing Linggo ay makinig tayo at manood ng magagandang musika sa pamamagaitan ng ASAP.

Lovi ayaw makipagnegosyo kay Rocco

Ang pag-iwas ni Lovi Poe na pag-usapan ang nobyong si Rocco Nacino ang nakikitaan ng sen­yales na may malubhang namamagitan ngayon sa magdyowa. Napaigting din ang sitwasyon sa pagtanggi ng Kapuso actress na kasosyo siya sa kabubukas na franchise ng isang kainan ng boyfriend niya.

Naniniwala siya na ang magkakarelasyon ay hindi nagsososyo sa negosyo. Hindi raw ‘yun healthy. Habang magkarelasyon pa lamang sila, dapat separate ang mga business endeavors nila. Kaya naman inaasikaso niya nang husto ang sarili niyang food business na mayro’n nang limang branches.

James susubuking agawin kay Nadine ng anak ni Lito Lapid

Ang dating simpleng buhay nina Clark (James Reid) at Lea (Nadine Lustre) sa On The Wings of Love ay magiging kumplikado na sa pagpasok ng ilang mga bagong cha­racter. Magbibigay ito ng insecurity sa cha­racter ni Nadine na dating secure na secure sa pagmamahal ng kanyang asawa kaya lately ay nakakainisan na ng manonood ang pagpapabebe niya kay Clark. Nakapasa man si Clark sa Tatay ni Lea na si Sol (Joel Torre) ay sa kanya naman lumabo ang pag-asa.

Papasok na ang character ni Ynna Asistio na siyang makakapareha ni Jigs (Albie Casiño). Kung magkaka-chemistry sila hindi na magbibigay ng problema si Jigs kina Lea at Clark. Papasok na rin sa serye si Maria Ysabel  Ortega, anak ni Lito Lapid kay Michelle Ortega bilang anak ng malaking customer ni Clark as a furniture maker. Pagseselosan siya ni Lea. Lagot!!

Pauleen baka mag-ala Kristine Hermosa na lang

Sayang kung tatalikuran ni Pauleen Luna ang kanyang showbiz career kapag naging Mrs. Vic Sotto na siya, pero kung ito ang gugustuhin ng magiging mister niya, may choice ba siya? Lahat ng mga Sotto ay gustong maging full time wife ang mga misis nila.

Even Kristine Hermosa ay masaya nang may TVC (TV commercial) lang at nag-aasikaso ng kanyang pamilya.

Baka naman payagan pa ni Bossing si Poleng kahit sa Eat Bulaga na lumabas at habang wala pa silang anak. Say n’yo?

ACIRC ALBIE CASI ANG EAT BULAGA EVEN KRISTINE HERMOSA JAMES REID JOEL TORRE KRISTINE HERMOSA LITO LAPID LOVI POE MARIA YSABEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with