_ngayon
^

Cristine hindi nanghihinayang sa career

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2015 - 10:00am

Bago magtapos ang taong kasalukuyan ay nakatakdang ikasal ang live-in partners na sina Cristine Reyes at Ali Khatibi kaya masayang-masaya ang nakababatang kapatid ni Ara Mina laluna na nang dumating sa kanilang buhay ang first “bundle of joy” na si Amara last February 8.

Sa kabila ng estado ngayon ni Cristine ay patuloy pa rin siya sa kanyang showbiz career sa tulong ng kanyang management company, ang Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Veronique del Rosario.

Marami ang nanghinayang kay Cristine sa maaga nitong pagkakaroon ng anak and eventually sa kanyang nalalapit na pagpapakasal dahil malayo pa umano ang mararating nito as far as her career is concerned. Pero hindi maipagpapalit ni Cristine ang kaligayahan na kanyang nararamdaman sa pagkakaroon ng anak at mapagmahal na kasintahan.

Alden at Maine inaabangan kung kakabugin si Willie sa paramihan ng benta ng magazine

Hindi na talaga mapipigilan ang pagiging social media phenomenon ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.

Maging ang international (media) news ay napukaw na rin ang interest tungkol sa phenomenal success ng AlDub at kasama na rito ang BBC, CNN at maging ang international business news channel na Bloomberg.

Humupa man ang hysteria ng AlDub balang araw ay nakaukit na ito sa kasaysayan ng Philippine television and entertainment na mahihirapan nang maulit in the next decades.

Samantala, kung sunud-sunod ang mga projects ng AlDub, nag-aagawan din ang iba’t ibang magazine na sila’y malagay sa cover. Tinataya ring masu-surpass ng AlDub issue ng YES! Magazine ang dati nilang record-holder na si Willie Revillame na bumenta ng 300,000 copies.

ALDEN RICHARDS ALI KHATIBI ANG ARA MINA CRISTINE CRISTINE REYES MAINE MENDOZA QUOT STRONG VIVA ARTISTS AGENCY WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with