Bea mas napalapit sa mga lalaki nang kalasan si Jake
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2015 - 10:00am

Parehong very close sa Kapuso teenstar na si Bea Binene kina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio kaya nali-link siya sa kadalawang Kapuso young actors.

“Sobrang close na kaibigan ko lang po sina Kristoffer at Derrick. Wala po akong boyfriend ngayon,” paglilinaw ni Bea who’s turning 18 on November 4 at siya’y nakatakdang magkaroon ng debut party sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel a night earlier.

Since parehong close sina Derrick at Kristoffer kay Bea, kasama ang dalawa sa kanyang 18 roses at si Kristoffer ang kanyang magiging last dance.

Sa isang panayam kay Bea, inamin nito na third party umano ang naging dahilan ng kanilang second and final break-up ng isa pang Kapuso actor na si Jake Vargas.

Kristoffer nakihanay sa mga sikat

Nagpapasalamat si Kris­toffer Martin sa pamunuan ng Hammerhead Jeans and Shirts dahil nananatili siyang celebrity endorser ng nasabing apparel at ngayon ay kasama pa niya ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Earlier ay naging celebrity endorser ng nasabing brand sina Piolo Pascual, Willie Revillame at ang actor-turned politician na si Alfred Vargas bago sina Kristoffer at Arjo.

Niño hindi raw ginagalaw ang kita ng anak

Idol ng original Child Wonder na si Niño Muhlach ang kanyang amang si Alex Muhlach pagdating sa pag-aalaga ng kanyang finances noong nasa kainitan pa siya ng kanyang career bilang child superstar.

Lahat ng mga kinikita noon ni Niño ay diretso sa trust fund at naipagpatayo pa siya ng sariling building, ang El Niño Apartment in Quezon City.

Ito ngayon ang ginagawa ni Niño sa mga kinikita ng kanyang bunsong anak, ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.

“Gusto ko na pagdating ng panahon ay secured na ang kanyang kinabuka­san dahil nasa trust fund ang kanyang pera,” pahayag ni Niño sa My Bossing Hotdog presscon for Alonzo.

“Nagpapasalamat ako sa Frabelle Foods for choosing Alonzo na maging first celebrity endorser ng My Bossing Hotdog,” ani Nino.

Samantala, madalas mapagkamalang stage father si Niño dahil madalas nitong samahan ang anak sa mga special event nito.

“Alonzo is only five years old. Actually, palitan kami ng wife ko (Abby Tupaz) sa pagsama kay Alonzo.  If I can’t go dahil sa mga personal commitment ko rin, Abby should accompany him along with Yaya Elsa and his RM (road manager),” paliwanag ni Niño.

Samantala, ang movie remake ng Butsoy na pinagbidahan noon ni Niño during his prime ang magsisilbing launching movie ni Alonzo under Viva Films na nakatakdang idirek ni Wenn Deramas early next year.

ABBY TUPAZ ACIRC ALEX MUHLACH ALONZO ANG ATILDE BEA KANYANG KRISTOFFER MY BOSSING HOTDOG PLUSMN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with