^

PSN Showbiz

Concert ni Sarah VIP at GA ang naunang nabenta

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Uy obvious na marami nang excited manood sa #SGFromTheTop concert sa December 4, 2015 sa Araneta Coliseum.

Pruweba nga naman ang maagang pagkaubos ng tickets sa General Admission at VIPs.

Yup, kinumpirma ng isang Viva insider, na noong October 1, dumagsa ang fans ni Sarah para personal siyang makita sa first day ng ticket selling, naubos umano ang GA at VIP tickets.

Ito raw ang unang pagkakataon na nangyari na sold out agad ang tickets sa VIP at GA.

Pero teka lulutang kaya ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli sa kanyang concert? Nababalitang may lover’s quarrel umano ang dalawa.

Pang-8th major concert ni Sarah ang SG Form The Top. Last concert niya ang Perfect 10 na magkasunod lang ginawa. Nauna niya napuno ang Araneta. Pero marami pang hindi nakapanood noon kaya nag-decide ang Viva Live na magkaroon ng second night na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Goma susubok uling mag-mayor

Ay kakandidato palang mayor ng Ormoc si Richard Gomez.

Ibig sabihin sandali lang ipalalabas ang serye nila ni Dawn Zulueta na You’re My Home. Meron din silang pelikulang natapos na malamang ipalabas na rin.

Pang-apat na subok na ito ni Goma sa pulitika. Nauna siyang kumandidatong senador pero ’di siya nakalusot. Noon namang 2013 ay naging kinatawan siya ng isang Party List pero he was disqualified at last election ay sumubok siyang maging mayor pero ’di rin siya pinalad.

Inaasahan ngayon ang panalo ni Goma dahil ang misis ng kasalukuyang mayor ang makakalaban niya.

Si Cong. Lucy ay kakandidato naman sa kanya pa ring dating posisyon.

AiAi inaayos na ang kuwartong titirhan ni Jiro

Lalabas na pala ng rehab center si Jiro Manio. Magaling na raw ito at bumalik na interes sa showbiz.

At paglabas niya ng rehab, sa bahay mismo ni AiAi delas Alas titira ang batang actor na nagkawindang-windang ang buhay dahil sa droga.

“Inayos ko na pati kuwarto niya. Sa akin siya titira. Gusto niya rin kasi malayo sa lahat ng tukso na nangyari sa kanya. Doon muna siya sa akin and kailangan ko rin siyang bantayan,” banggit ni AiAi kahapon nang pumirma ng movie contract sa Regal Films.

Ramdam ni AiAi na tutulungan siya ng Diyos sa gagawin niyang pagkupkop kay Jiro.

“Hindi naman Niya ako pababayaan pagdating diyan at ‘yun ang prayers ko na, “Sana, Lord, makaya kong alagaan si Jiro,” pahayag niya.

Dahil gusto na rin daw ni Jiro na magtrabaho, pasok na ito sa gaga­wing pelikula ng comedy queen sa Regal Films. “Package deal na kami ngayon, hahaha.

“Gusto na rin naman kasi ni Jiro na magtrabaho. Gusto na niyang magbagong-buhay! Talagang pinakiusapan ko siya. ‘Anak, ayos ka na!’ Para game na at maka-move on na siya sa buhay niya. Para maayos na rin ang buhay niya,” paliwanag pa niya.

“Saka practicality rin! Sabi ko, ‘Anak, hindi ka naman puwedeng magtrabaho rin sa Japan. Hindi ka naman marunong mag-Nihongo eh. Although gusto niya talagang pumunta ng Japan.

“Sabi ko, ‘Ganito na lang ang plano natin. Mag-aartista ka. Mag-iipon ka para sa future mo at sa future ng family mo.”

Wala namang naging problema kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde, agad-agad silang pumayag nang banggitin ni AiAi na gusto ni Jiro na magtrabaho na.

Samantala, walang magiging love interest si AiAi sa comeback movie niya sa Regal. Wala pa rin siyang idea kung sino ang magiging director ng pelikula pero kakaiba raw ito sa Tanging Ina Mo.

ACIRC

ANAK

ANG

ARANETA COLISEUM

DAWN ZULUETA

GOMA

JIRO

NIYA

REGAL FILMS

RIN

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user