Magaling na aktor hindi na makapagpigil, gustung-gusto nang magladlad! INC at ABS-CBN may malalim na hidwaan?
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2015 - 10:00am

PIK: Napuno ni Gloc-9 ang Music Museum sa first night ng concert series niya ngayong buwan.

Nung nakaraang Sabado ang unang gabi niya at suportado ito ng mga close friends niya sa industriya at fans.

Sa darating na Sabado, October 17 ay inaasahang mapupuno na naman ito dahil bigatin din ang special guests niyang sina Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray, at Rico Blanco.

Hindi ko lang tiyak kung kasama rito si Chito Miranda dahil nakapag-perform na ito nung nakaraang Sabado.

Ang dinig kasi namin, hindi raw puwedeng magsama sa isang show sina Chito at Rico. True kaya ‘yun?

PAK: Tumaas ang kilay namin sa narinig na tsikang ka­ting-kati na raw ang magaling na aktor na mag-out ng tunay niyang kasarian.

Kapangalan ni magaling na aktor ang ibang kilalang celebrities na bading din kaya ewan ko lang kung type na rin niyang makisama.

Mabait at ma-PR si magaling na aktor kaya malamang na alam na rin ng close friends niya na iba talaga ang sexual prefe­rence niya, pero tahimik na lang sila.

Mag-out man siya o hindi, love pa rin siya ng mas nakakaraming kasamahan niya sa trabaho.

BOOM: As of presstime, wala pa kaming update kung magkano na ang kinita ng pelikulang Felix Manalo. Sa first day of showing nito ay naka-P51 million daw ito at bumaba siya sa sumunod na araw.

Nung nakaraang Linggo ay malakas na naman ito at talagang pinilahan sa ilang sinehan.

Pero ngayon lang namin napansin, sa loob ng halos 400 theaters na pinaglabasan ng Felix Manalo, hindi pala ito naipalabas sa ilang sinehan na pag-aari ng ABS-CBN 2 kagaya ng Rockwell at Century City Mall.

Hindi rin pala nag-place ng trailer ang Felix Manalo sa ABS-CBN 2 at hindi nakapag-promote doon ang ilang Kapamilya stars na kasali sa naturang pelikula.

Kaya pala hindi imbitado ang Kapamilya network sa ilang presscon ng naturang pelikula.

Gaano na nga ba kalalim ang hidwaan ng ABS-CBN 2 at INC?

ACIRC ANG CENTURY CITY MALL CHITO MIRANDA EBE DANCEL FELIX MANALO HINDI JANNO GIBBS JONALYN VIRAY KAPAMILYA SABADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with